Chapter 19: Lies For Protection

105 6 0
                                    

Naglalakad-lakad ako dito sa East Black Division para maghanap ng isa ko pang pwedeng pagkutaan o base at para na din mag-ibestiga sa sinasabi nilang gang ng mga Eien.

Nag-aabang ako sa mga  buong gang na aalis sa kanilang mga base at tsaka ko sasakupin ang kanilang base. Habang naghahanap ako ng base na pwede kong sakupin, ay may narinig akong mga sigawan mula sa Black Market.

"Andyan na ang mga Eien, magtago na kayo!"

"Wag, wag po. Aagggghhh!!!!"

"Maawa po kayo sa amin. Wag po ninyo kami sasaktan. Kunin na lamang po ninyo lahat ng kailangan ninyo basta wag lang po kaming sasaktan."

Nang marinig ko ang mga sigawan at ang pangalang Eien, agad akong pumunta sa Black Market. At nang makarating ako doon, nakita ko ang grupo ng mga lalaking nakasuot ng itim at may mga maskara. At ang nakasulat sa damit ng dalawa sa mga ito ay Storm at Typhoon. Malamang na sila na ang mga sinasabi nilang mga Eien.

Hinintay ko silang makalayo sa Black Market, at matiyaga ko silang sinusundan ng hindi nila nalalaman. Nang makakita ako ng tamang pagkakataon, ay susugurin ko na sana sila ng makita ko ang mga Huntres. Agad akong bumalik sa pagtatago at pinanood ang mga mangyayari sa pagitan nila.

"Wala na kayong takas mga Eien! Sobra-sobra na ang ginagawa ninyong panggugulo dito." Sabi nung isang babae na may maangas na asta. May hawak-hawak siyang boken.

"Sigurado ba kayo? Talaga bang kaya na ninyo kami? O mauuwi lang ulit ito sa isang masayang habulan?" Sabi naman ng isa sa mga naka maskara.

"Masyado kayong mayayabang! Akala ninyo ba na makakapayag kami na maghabulan lang ulit tayo dito? Pwes, hinding-hindi na maaring maulit iyon."

"Tama! Ang dapat sabihin ninyo ay mga duwag kayo dahil panay takbo lang namanang alam ninyo!"

Grabe may mga bata pa pala silang kasama. Maya-maya lang ay naglabas na ang ilang sa mga nakamaskara ng mga sandata nila. Alam kong magakakaroon ng isang matinding gulo ng biglang,

"Tumigil kayo!"

May isang babae na naman ang nagpakita at kasama siyang ilang lalaki. (Akala ko panay babae lang sila, buti may lalaki din, haha.) Pero hindi natigil ang tensyon sa pagitan ng mga Huntres at ng mga Eien daw. Biglang umatake ang isa sa mga nakamskara at nagsimula na ang kaguluhan. Pinapanood ko lang sila na magkagulo, nang bigla akong nakaramdam ng matinding lamig. Mula sa kawalan ay nakita ko si Fushishen.

"Atras na! Wag na kayong lumaban!"

Sigaw ng isa ulit sa mga nakamaskara at agad silang nag-alisan sa laban. Hinabol sila ng ilan sa mga Huntres, ngunit naiwang nakatayo sila Fushishen at limang babae. Susunod sana ako sa mga humahabol na Huntres pero narinig kong nagsalita ang si Fushishen.

"Alam kong nandyan ka lang," sabay turo sa pwesto ko.

"Lumabas ka dyan kung ayaw mong hulihin kita."

Lumabas ako sa aking pwesto at nagpakita sa kanila. Pero bago ko gawain iyon, nagpalit na ako ng itsura.

"Sino ka? At anong ginagawa mo dito?" Tanong nung isang babae na may kutsilyo sa tagiliran niya.

"A-a-ako po si Daeshin. A-a-at ba-bago la-lang po ako dito."

"Saan ka nanggaling?" Tanong nung babaeng may boken.

"Galing po ako sa Japan, at nandito ako para magbenta ng mga kalakal ko."

"Nasaan naman ang mga kalakal mo?" Tanong ulit niya.

Napapansin ko ng nagdududa na sila sa akin. At nakita ko din sa mukha ni Fushishen na pingahihinalaan niyang isa ako sa mga Eien.

"Kinuha po noong mga lalaking nakamaskara. At sinundan ko nga po sila sa pagbabaka-sakaling mabawi ko man lamang ang ilan sa mga iyon."

"Ano ba yung mga kalakal mong yun? At parang napakamahal noon para sundan mo sila at magbaka-sakaling mabawi mo iyon sa kanila."

Dahil sa dati na kaming pumu-punta dito nila Fumetsu at Fushishen, sinabi ko sa kanilang mga armas ang binebenta ko. Tinanong din nila ako kung may kilala ba ako dito at kung ano-ano pang mga tanong. Sa bandang huli, ay nakuha ko ang loob nila. Pinasama nila ako sa kanila para magkaroon ng pansamantalang matitirahan at pagkatapos ay pababalikin na nila ako sa Japan.

Pumunta kami sa isang lugar na puro puti ang kulay. Malamang na ito ang tinatawag nilang White Division. Patuloy lang ako sumunod sa kanila hanggang sa makarating kami sa isang malaking gusali sa gitna ng White Division. Pumasok kami dito, at pinaupo muna nila ako sa parang waiting shed. Nag-antay ako ng ilang minuto at may lumapit sa akin ng isang Huntres at pinasunod ako sa kaniya.

Pumasok kami sa isang kwarto. At doon ay nakita ko si Fushishen at ang limang babae kanina at may isa pang lalaki.

"Maupo ka Daeshin. Wag ka sanang maiilang sa amin. May mga gusto lamang ulit kaming itanong sayo." Sabi sakin ni Fushishen.

Umupo ako sa harapan ng lamesa niya at nasa palagid lang namin ang iba.

"Daeshin, ikaw ba ay isang normal na mangangalakal o isa ka ding Huntres?" Tanong noong lalaki.

"Hindi ako isang pangkaraniwang mangangalakal. Ang totoo niyan, ay isa din akong erityian katulad ninyo."

"Saang lahi o tribo ka naman nanggaling?" Tanong noong isang batang babae na may mga baril.

"Ako ay isang Shingami. Tumakas ako sa Shinigami base at nagnakaw ng ilang kagamitan na maari kong maibenta dito. Kaso sa kasamaang palad, nakuha iyon ng mga nakamaskara."

Nang marinig ni Fushishen na isa akong Shinigami, nagulat siya. At tinanong ako.

"Kung ganoon isa kang Shinigami?! May kilala ka bang nagngangalang Akuma?!" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Pasensya na po kayo sir, pero wala po akong kilalang Akuma. Pasensya na talaga."

"Imposible!" Nakita ko ang galit sa mukha niya ng sabihin kong hindi ko kilala ang sarili ko.

Nagkunwari akong nagulat at natakot sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Hindi ko din namang masabi na kilala ko ang sarili ko dahil tatangungin niya ako ng tatanungin. At lalong hindi ko masabi na ako si Akuma dahil tiyak na magtataka siya at magtatanong pa din sa akin.

"Fushishen, kumalma ka lang." Sabi noong mga kasama niya.

Pinakakalma nila si Fushishen. At nang kumalma na ulit siya, nagpatuloy sila sa pagtatanong ng kung ano-ano. Hanggang sa niyaya nila akong sumama sa kanila sa paghuli sa mga Eien. Hindi na ako ng dalawang isip na tanggapin ang iniaalok nila. Bukod sa makakasama ko ulit si Fushishen, mas makakakuha ako ng impormasyon tungkol sa mga Eien.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now