Chapter 2: Kidnapping

378 8 0
                                    

"Tara na Emperor. Sumama kana sa amin. DOTA tayo."

"Sasama ako kung kasama si King at Pres (short for president) na mag laro." Ang sabi ni Emperor.

"Nasaan ba sina King at Pres?"

"Nabili pa ng merienda hahaha."

"Hayyyy. Bumili pa. Meron naman dito."

"Para namang di ninyo kilala yung dalawang yun. Alam nyo namang mahilig kumain yung dalawa. Hahaha."

"O, ayan na pala sila eh."

"King, Pres, sama kayo mag do-dota kami. Kulang pati kami eh kaya sumama na kayo."

"Parang tinatamad ako eh. Emperor oh, yan yung merienda mo." Ang sabi ni King at iniabot ang binili nilang burger ni Pres para kay Enperor.

"Salamat." Sabi ni Emperor at kinuha ang burger.

"Ilanan ba at sino-sino?" Ang tanong ni Pres habang nakain ng burger.

"5v5 tayo. Ako, si Dan, si Clint, si Nelson, si Jeff, si Lee, at kayong tatlo." Ang sabi ni Kenneth.

"Sasama ka ba Emperor?" Ang tanong ni Pres.

"Sabi ko sa kanila, kung sasama kayo, sasama ako."

"Ano sa tingin mo King, sasama ba tayo?"

"Kung sasama kayo, syempre sama ako." Ang sabi ni King habang nanguya ng burger.

"Ano, sasama ba kayo?" Ang tanong ni Clint.

Nag tinginan yung tatlo na para bang naguusap-usal sila gamit ang isip. At ilang saglit lang ay sumagkt si Emperor.

"Ok, sige sasama kaming tatlo." Ang sabi ni Emperor.

"Tara na at baka wala tayong maupuan doon sa shop." Ang yaya ni Lee.

-/-/-/-

"Yung mid! Yung mid! Basagin nyo na!"

"Back na kayo! Nanjan na mga kalaban!"

"Oy three-some, bumack na kayo. Di natin kaya mga kalaban."

"Sige pa back na ako."

"Ako din. Oy Emperor, wag kang magpaka bayani! Hindi ka si Dr. Jose Rizal! Hahaha!"

"Watch and learn. I will show to all of you guys kung paano ko papatayin itong limang pagkain."

"Woah!!!!!!! May himala! Hahaha!"

"Sabi sa inyo eh. Watch and learn and I will carry you guys."

Nagkakasiyahan ang mga magka-kaibigan habang nag lalaro sila ng DOTA at hindi na namalayan pa ang oras.

Lumipas ang limang oras na naglalaro at nagkakatuwaan ang mga magka-kaibigan.

"Wooh. Ang sarap talaga mag laro DOTA kapag tapos na ang exams at weekend kinabukasan." Sabi ni clint pagtapos mag laro ng DOTA.

"Oo nga eh. Sarap sa pakiramdam." Dugtong naman ni Nelson.

"Eh ang tanong, papasa o pumasa naman kaya kayo?" Tanong na may halong pang-aasar ni Pres.

"Oo nga. Nag review ba kayo? Baka mamaya nan ang sagot ninyo sa exams first skill ss third slow stun? Hahaha." Dugtong ni Emperor.

"Hahaha. Oo naman. Nag review kami ewan ko lang sa isa jan. Hahaha." Sabi ni Kenneth Habang nakatingin kay Pres.

"Oy, oy Neth. Tigil-tigilan mo ako. Muka lang akong hindi nag rereview pero nag pupuyat ako kaka-review." Sabi ni Pres habang nagtatawanan silang magka-kaibigan.

Nag lalakad na sila pauwi ng kani-kanilang bahay. Nakauwi na yung pito at yung three-some (Emperor,King, at Pres) nalang ang naglalalakad pauwi sa apartment nila.

Habang naglalakad sila pauwi ay may biglang humarang na van sa kanila.

"Sino kayo ha?"

"Anong kailangan ninyo sa amin?"

"Pakawalang ninyo kami. Wala kayong makukuhang pera o kung ano man sa amin."

Nag-pupumiglas ang tatlo para maka takas pero wala silang magawa dahil madami ang kalaban nila at malalakas. Maya-maya ay hindi na sila nakapag-pumiglas ng takpan ng panyo na may ether (isang uri ng chemical na nakakahilo at nakakapag-pawala ng malay) ang ilong nilang tatlo at tuluyang mawalang ng malay.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now