Ilang araw nalang bago magtapos ang aking isang linggo sa mga Senshin para makasamang muli si Fumetsu at para na din mas makilala ko pa ang mga Senshins. Nag-aaral akong kasama nila at sumasama din ako sa mga fielding nila.
Ngayon, mayroon kaming kaso na iniimbistigahan. Tungkol ito sa nangyayaring misteryosong pagkawala ng mga bata sa isang maliit na probinsya.
"Ano sa tingin mo Akuma, mga sindikato o mga Shinigami ang may gawa nito?" - Fumetsu
"Malamang na sindikato. Dahil kung mapapansin mo ang salaysay ng mga nakatira dito, wala naman silang napapansing kakaiba sa paligid maliban sa mga nawawalang mga bata na edad walo hanggang labing limang taong gulang (8-15 years old)." - Akuma
"Yun na nga eh. Walang napapansing kakaiba. Kaya malaki ang posibilidad na mga Shinigami ang may kagagawan ng pagkawala ng mga bata dito." - Akemi
"Mali ka Akemi." - Akuma
"Teka pano naging mali si Akemi? Eh maliwanag pa sa sikat ng araw na nawawala ang mga bata ng biglaan. Kaya malamang na gumagamit sila ng Black Dimension para mabilis na makakuha ng ng bata." - Akane
Sumang-ayon silang lahat maliban kay Fumetsu.
"Mali ka dyan Akane. Kahit na si Akemi mismo, maipapaliwanag na imposibleng mangyari iyon." - Akuma
"Teka, bakit mo naman nasabing kayang ipaliwanag ni Akemi ang dahilan." - Reiji
"Madali lang. Diba, Akemi ikinuwento mo sa amin na minsan mo ng naranasan ang makapasok sa loob ng Black Dimension?" - Akuma
"Oo tama ka. Oo, nakapasok na nga ako sa loob ng Black Dimension. Sa loob no'n ay parang sinusunog ang balat ko at unti-unti akong nawawalan ng malay." - Akemi
"Ano ang gusto mong palabasin Akuma?" - Hiro
"Ang gustong palabasin ni Akuma, na imposible talagang mga Shinigami ang may kagagawan. Dahil kung si Akemi nga na may dugong Shinigami, ay ganoon ang naramdaman at muntikan pa nga niyang ikamatay, edi lalong napaka imposible na maka-survive mga tao (humdrums) lalo na ang mga bata kung ganoon ang mararamdaman nila." - Fumetsu
"Kung gano'n, sino kaya ang tunay na may kagagawan ng mga pagkawala ng bata dito?" - Riye
"May kutob akong mga sindikato ang nasa likod nito." - Akuma
"Kung sindikato nga, ano naman ang kailangan nila sa mga batang edad walo hanggang labing lima (8-15 years old)?" - Ken
"Pwede silang gamitin bilang mga batang nanamalimos, mga snatcher o magnanakaw, o ang pinaka malala, ang katulad ng naranasan ko." - Akuma
"Anong naranasan mo Akuma?" - Akemi
"Naranasan kong ibenta sa mayaman para patayin ako at kunin ang mga laman loob ko para gumaling sila." - Akuma
Nagpatuloy lang ang paggawa namin ng thoerya sa kung paano nawawala ang mga bata dito. Mayroon kaming apat na araw iresolba ito. At nagamit namin ang isang buong araw sa pagbubuo pa lang ng mga konklusyon.
Nakalipas pa ang isa pang araw para naman sa pagbuo muli ng konklusyon para naman sa kung sinong sindikato ang nasa likod ng mga ito.
At dumating ang unang bahagi ng ikatlong araw at wala pa ding pagusad sa mga ginagawa namin.
"Guys, maiwan ko muna kayo saglit. Kayo na muna ang bahala sa mga gawain. Babalik din ako mamayang tanghali o hapon." - Akuma
"San ka pupunta Akuma?" - Fumetsu
"Magkukunwari akong isang bata. Dahil araw-araw silang umaatake. At nang sa gano'n, malaman ko ang estilo nila at ang pangalan ng grupo nila." - Akuma
"Mag-iingat ka Akuma. May kutob akong hindi lang basta mga tao ang makakaharap natin." - Fumetsu
Tumango nalang ako at umalis palabas ng dorm at naglakad palabas ng campus. Pumunta ako sa lugar kung saan nangyayari ang pagkawala ng mga bata. At ginawa ko ang plano ko. Nagkunwari akong isang sampung taong gulang (10 years old). Naglalakad ako sa mga di-masyadong mataong lugar dahil may hinala ako na dito sila umaatake.
Naglakad pa ako patungo sa parke na walang tao. Dahil medyo pagod na ako, umupo muna ako sa upuan. Kataka-takang walang tao na nagpupunta dito. Maganda naman ang lugar at buhay na buhay ang paligid. Maya-maya pa ay may batang lalaki lumapit sa akin.
"Bakit nag-iisa ka lang? Gusto mo laro tayo?" - Daichi
"Sino ka naman? Bakit parang ngayon lang kita nakita dito?" - Akuma
"Ah, dito kasi ako lagi naglalaro. Ikaw nga itong ngayon ko lang nakita dito. Ano palang pangalan mo?" - Daichi
Hindi ko pwedeng sabihin ang tunay kong pangalan at hindi din pwede ang alternative name ko. Wala akong maisip kaya pasimple akong tumitingin sa paligid para makaisip ng pwede kobg ipangalan.
"Ako si Akiro. Ikaw naman, anong pangalan mo?" - Akuma/Akiro
Ewan ko ba kung bakit biglang pumasok sa isip ko ang pangalang 'yon. Basta ang mahalaga, hindi niya ako kilala.
"Ako naman si Kendaichi. Pwede mo din akong tawaging Daichi dahil yan ang tawag ng marami sakin." - Daichi
"Nasan ang mga magulang mo? Kasi nakita kong nagiisa ka lang dito." Dugtong niya.
"Uhm, naliligaw ako kasi tumakbo ako ng makita ko itong park. Nagandahan ako kasi madaming palaruan." - Akuma/Akiro
"Ah ganun ba? Tara sumama ka sa sakin. Hahanapin natin ang mga magulang mo." - Daichi
Sumama ako sa kanya at hinayaan ko siyang mauuna. Pero may kakaiba sa batang ito, sa ibang daan siya dumadaan. Hindi siya dumadaan sa dinadaan ko, kundi, mukhang palayo pa nga sa dinaan ko. Malamang na may kinalaman ang batang ito sa pagkawala ng mga bata dito sa lugar na ito. Sino ka Daichi? Ano ang tunay mong pakay?
![](https://img.wattpad.com/cover/114327727-288-k772088.jpg)
YOU ARE READING
PROJECT: Hybrid Erityian Race
FanfictionWhich tribe we will join? SENSHINS, SHINIGAMI, HUNTRES, OR CUSTOS? -COMPLETED- This is a fanfiction of Erityian Tribes Series of Purpleyhan.