Chapter 30: Hiela, The Fourth Hybrid Erityian

106 6 0
                                    

•continuation of  chapter 28•

Sino ka Daichi? Ano ang tunay mong pakay?

Makalipas ang labin-limang minutong lakaran, may natatanaw akong parang kampo o base.

"Daichi, saan ba talaga tayo pupunta?" - Akuma/Akiro

"Basta sumunod ka lang. Sasamahan kita sa makakatulong sayo." - Daichi

Pumasok kami sa loob ng base at, tama ang hinala ko kay Daichi. Naandito ang ilan sa mga batang nawawala. Pero naandito sila ang nagsasanay ng martial arts? Bakit sila nagsasanay ng martial arts? Habang naglalakad kami at lumilingon-lingon ako sa paligid, may kinausap si Daichi na babae, tapos lumapit sila sa akin.

"Sabi ni Daichi nawawala ka daw?" - Hiela

"Uhm, opo. Kayo po ba yung makaka tulong sakin?" - Akuma/Akiro

"Oo. Tara sumama ka sakin para mahanap na natin ang mga magulang mo." - Hiela

Nagpaalam na si Daichi sa amin at umalis. Kami naman ay pumunta sa isang kwarto dahil tatawagan lang daw niya ang kaniyang driver. Makalipas ang ilang minuto, may kumatok na sa pintuan. Pinapasok ito nung babae at nakita ko na isang teen ager ang pumasok at ini-lock amg pinto. Piniringan ako nito at sinuntok sa sikmura. Nawalan ako ng malay at tapos ang sumunod kong naalala ay nakatali ako sa kadenang gawa sa yelo.

"Buti nagkaroon kana ng malay." - Hiela

"Akala ko ba tutulungan mo akong hanapin ang mga magulang ko?! Bakit mo ako ikinulong dito at itinali sa yelong kadena?! Sumagot ka!" - Akuma/Akiro

"Alam mo na 'yon kung bakit. Kaya wag ka ng mag maang-maangan." - Hiela

"Hindi kita maintindihan." - Akuma/Akiro

"Oh come on, Akiro. O dapat kong tawaging Akuma." Sabi ni Hiela at sabay nag smirk sa akin.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tunay kong katauhan. Isa kaya demi-hybrid erityian? O isang purong hybrid erityian na katulad namin.

"Oh bakit hindi kana makapag salita ha? Akuma." - Hiela

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." - Akuma/Akiro

"Talaga ba?" - Hiela

Nagpakita siya sa akin ng mga live video sa paligid ng headquarters ng mga Custos. At doon sa video, naka-focus ang mga camera kila Fumetsu at Fushishen.

"Diba kilala mo sila?" - Hiela

"Kung hindi ka aamin sakin, mapipilitan akong magpadala ng mga tauhan ko doon para pahirapan sila. Hahaha." Dagdag niya.

Hindi ko lang siya pina-pansin at patuloy nalang ang sa pagpupumiglas dahil hindi ako makawala. Dahil hindi ko siya pina-pansin, umupo siya sa tapat ko at itinapat maigi sa mukha ako ang live video. Ngayon ang nakikita ko sa video ay mga bata na nilalabanan sila Fumetsu at Fushishen pati na din ang mga Custos. Kitang-kita ko na nahihirapan sila Fumetsu at Fushishen dahil mga bata sila at alam nilang ang ilang bata na kalaban nila ay ang ilan sa mga batang nawawala.

"Ano ba talagang gusto mo? At sino ka?" - Akuma/Akiro

"So, inaamin mo na bang ikaw si Akuma, ha?" - Hiela

"May magagawa pa ba ako?" - Akuma

"Buweno, ang gusto ko ay ang makapag higante sa inyong tatlo nila Fushishen at Fumetsu. At ganoon din sa mga Shinigami." - Hiela

"Bakit mo namang gusto maghigante sa aming tatlo? At kung gusto mo talagang maghigante sa mga Shinigami, huli kana. Dahil tinapos na namin sila at iilan nalang ang nabubuhay sa kanila at nagtatago na." - Akuma

"Kasi, nang dahil inyo kaya ako nagka ganito!" - Hiela

"Ano namang kinalaman namin sa'yo?" - Akuma

"Nang dahil sa inyong tatlo, mas lalo pa silang naging pursigido na gumawa ng mga bagong hybrid erityian na dudurog sa inyo. At bago ko makalimutan, ako nga pala si Hiela. Ang ika-apat na hybrid erityian nakatulad ninyo." - Hiela

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now