Chapter 21: Leila Chan

94 6 0
                                    

"Sabihin mo, isa ka din ba sa mga hybrid erityian? Sumagot ka!"

Hindi niya ako pinansin. Umalis siya at sinabi sa mga tauhan niya na ihanda na ang laboratory at mag handa na para sa gagawain. Lumapit sa akin ang mga tauhan niya at tinurukan ako ng nerf vaccine.

Nang magkamalay na ulit ako, ay akala ko na bumalik ako sa base ng mga Shinigami dahil sa mga itsura ng kwarto o laboratoryo. Katulad na katulad ng Shinigami base. Kumpleto siya sa mga kagamitang ginagamit sa pag opera ng tao.

Habang tinitingnan ko ang buong paligid ko ay may lumapit sakin na dalawang lalaki na nakabihis doctor na magoopera. Yung isa ay hinawakan ang ulo ko, habang ang isa naman ay may itinurok sa leeg ko. Sa palagay ko ay nerf vaccine pa din iyon na mababa ang dosage kaya hindi ako nawalan ng malay. Pagkatapos ay nakita ko na naman ang lider ng mga Eien, nilapitan niya ako at tinitignan kung makakapalag paba ako o hindi.

"Okay na, simulan na natin ang eksperimento." Sabi ng lider ng mga Eien.

Nang marinig ko iyon at nakita ko na may kagamitan silang pandukot ng mata at, agad-agad akong kumawala kinahihigaan ko. Dahil sa mababang dosage lang nerf vaccine ang ginamit sakin, alam kong magagamit ko padin ang pagiging hybrid erityian ko.

"Kumuha kayo ng mas mataas na dosage, at ibigay ninyo sa akin! Ngayon na!"

Nagmadaling kumuha ang tauhan niya ng mataas na dosage ng nerf vaccine pero bago pa nila magawa iyon ay pinatay ko na sila. Nakita ko sa mukha niya ang gulat dahil pagkasabing-pagksabi niya noon ay kumilos na agad ako ng mabilis para hindi sila makakuha ng nerf vacvine.

"I-isa ka-kang,"

"Hindi ka makapaniwala?"

"Pero paanong?"

Biglang dumating ang napakadaming tauhan niya at katulad ng nangyari sa iba, pinatay ko din sila. Pagkatapos ay tumingin ako sa kanya at umalis ng mabilis para hanapin pa ang ibang mga tauhan niya at patayin din. Nang mapatay ko na lahat ng tauhan niyang nakita ko sa base nila ay agad ko siyang binalikan.

"Pa-pa-papaanong ma-ma-may ha-hybrid na-na e-e-erityian ang hi-higit na-na ma-mas ma-malakas pa-pa sa a-akin?"

"Hindi ka makapaniwala? Akala mo ba dahil sa nakokontrol mo ang lahat ng elemento at attribute na nagagamit ng mga Huntres ay ikaw na ang pinaka-malakas?"

Hindi siya maka-kilos at makasagot sa tanong ko dahil sa takot, nerbyos, kaba at kung ano-ano pang emosyon ang naramdaman niya ng makita akong maging isang hybrid ertyian. Dahil sa nakita ko naman na wala siyang magagawa para talunin ako, tinurukan ko nalang siya ng mataas na dosage ng nerf vaccine at umalis sa base nila.

-/-/-

Nandito kami ngayon sa isa sa mga base na sinakop ko. Dito ko aalamin lahat ng nalalaman niya.

"Ngayong may malay kana, sabihin mo ang pangalan mo. Saan at bakit ginagamit mo ang pangalang Eien bilang grupo mo."

"Ako si Leila Chan."

"Eh bakit mo naman ginagamit ang pangalang Eien sa grupo mo?"

"Bago ko sagutin yan, sabihin mo, isa kaba sa Tres Diablos?"

"Ang tanong ko ang sagutin mo."

"Narinig ko ang pangalang Eien noong nasa Shinigami base pa ako. Narinig ko na isa siyang Custos na pinapatay ang mga katulad kong demi-hybrid erityian. Kaya naisip kong gamitin ang pangalan niya para katakutan."

"Ano naman itong mga demi-hybrid na sinasabi mo?"

"Ang mga demi-hybrid erityians ay mga hybrid erityians na kung saan nakapokus lang ang kanilang pagiging hybrid base sa kung anong uri sila. Katulad ko, isa akong demi-hybrid na Huntres."

"Eh ano naman yung sinabi mo kanina na Tres Diablos?"

"Sabi nila ang Tres Diablos daw ang pinaka-una, ang pinaka-obra maestra nila. Sila ang mga purong hybrid erityians. Ngunit ang dalawa daw ay umalis at hindi na nagpakita pang muli."

"Eh yung isa, ano nangyari sa isa?"

"Yung isa naman daw ay bumalik sa kanika ngunit umaayaw na siya sa gawain nilang pagpatay sa ibang lahi para pag-eksperemintuhan ang kanilang mga mata. Kaya naisip nilang gumawa pa ng mas madaming hybrid erityian na papatay sa kanya at sa dalawa pang iba."

Kung ganoon yun pala ang plano nila sa amin. Kaya sila nag papakidnap ng mas marami ay dahil sa gusto nila akong patayin pati na sila Fumetsu at Fushishen.

"Ako naman magtatanong kung okay lang, isa ka ba sa Tres Diablos? O isa ka ding demi-hybrid?"

"Oo, isa ako sa Tres Diablos  na tinutukoy mo."

Nakita ko sa mukha niya ang gulat at pagkamangha ng malaman niyang isa ako sa tinawag nilang Tres Diablos.

"Sino ka sa kanila? Ikaw ba si Fushishen? Si Fumetsu? O ang iniidilo ng halos lahat ng demi-hybrid na si Akuma?"

"Ako si Akuma."

Nang sabihin ko iyon ay bakas sa mukha niya ang tuwa. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi niyang "iniidolo" nila ako o dahil sa kasama niya ang iniidolo nila.

"Leila Chan,"

"Ano po yon Sir. Akuma?"

"Bakit moko tinawag na Sir. Akuma?"

"Dahil handa po akong ibuwis ang aking buhay alang-alang sa inyo at para maging isang tagasunod ninyo."

"Kung gusto mong maging tagasunod ko, huwag mokong tawaging Sir. Akuma lang ang itawag mo sakin. At dahil sa handa kang ibuwis ang buhay mo para maging tagasunod ko, may ipapagawa ko sayo."

"Ano po yun Sir. Akuma ay Akuma pala."

"Gusto kong puntahan mo sila Fushishen at Fumetsu at sabihin mo na gusto ko sila makausap at gusto ko silang makita muli."

"Saan ko sila hahanapin?"

"Ang isa ay nasa lupain ng may mga berdeng mata. At ang isa naman ay nasa paligid lamang. At kapag nakita mo na sila, wag mo sasabihing alam mo na ako si Eien at ako din si Daeshin."

Pagkasabi ko non kay Leila Chan ay umalis ako at iniwan siya sa kwarto. Ngayon ko siya susubukan kung talagang gusto niyang maging tagasunod ko.

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now