Chapter 4: Undying Eyes

245 8 0
                                    

"Ihanda na ang mga susunod na pasyente."

"Ok po."

"Ito na po sila."

"Ah. Tamang tama. I ready na sila patient number 0039, patient number 0040, at patient number 0041."

Yan ang mga naririnig ko habang unti-unti akong nagkakamalay. At habang nagkakamaly na ako, nakikita ko ang mga kagamitan na mga pang-opera sa ospital.

"Bigyan na ng pampanhid ang mga iyan para masimulan na ang operasyon."

"Huh? Teka, anong gagawain ninyo sa akin? Bakit ako nakatali at bakit may hawak kang kutsilyo?(kutsilyo na pang opera)" Ang sabi ni Pres habang nagpupumiglas.

"Teka, teka. Anong gagawain ninyo sa amin ha? Anong gagawain ninyo?" Ang sigaw ni King habang nag pupumiglas din sa pagkakatali sa kanya.

"Ano ba ang gagawain ninyo sa amin? Wala naman kaming atraso o kasalanan sa inyo ah?" Ang sabi ko habang pinipilit na makawala sa mahigpit na pagkaka-tali ko sa isang higaang stainless.

Hindi kami makawala sa higpit ng pagkakatali namin sa higaan. Sigaw n kami ng sigaw at humihingi ng tulong, ngunit walang gustong tumulong sa amin at parang walang naririnig ang mga doktor at nurse na ito.

Nakaka-rinig din kami ng mga sigawan mula sa mga katabi namin dahil tela lang ang namamagitan sa bawat isa.

"Ang mga mata nasaan na?"

"Ito po."

"Salamat. Ngayon ay simulan na natin ang "OPERATION: UNDYING EYES"."

Nakakita ako ng mga mata sa tatlong maliit na glass jar. Ngunit ang ipinagta-taka ko ay kakaiba ang kulay ng mga ito. Ang isa kulay green. Hindi yung green na parang mata ng mga foreigner, kundi intense green. Ang isa na naman ay kulay blue. Hindi din katulad ng sa mga foreigner, dahil intense din ang pagka-blue nito. At ang pang-huli ang pinaka nagulat ako at the same time ay nagtaka. Dahil ang nasa pangatlong mata na nasa glass jar ay kulay pula. Intense din pagka-pula nito na para bang naka contact lenses.

"Ok. Simulan na natin ang operasyon."

"Oy, oy. Anong gagawain ninyo ha? Anong gagawain nijdjsls" hindi ko na naipag patuloy pa ang aking sasabihin dahil tinakpan nila ng parang bola na may strap ang bibig ko at tinakpan ng tela ang buo kong mukha at tanging mg mata ko lang ang walang takip.

Hindi ko na maalala ang mga sumunod na nangyari sa akin. Dala na din siguro ng pagod, takot, galit, at kung ano-ano pang emosyon.

-/-/-/-

"Kamusta si patient number 0039? Ano ang vitals nya?"

"Ayos naman po si patient number 0039. Kinaya po niya at ng katawan niya ang opersyon. At wala din naman nag bago sa kaniya. Lahat ay normal."

"Magaling. Bantayan ninyo siyang mabuti at obserbahan ang mga maaraing mag bago o mang yari sa kaniya."

"Ok po."

"Masusunod po."

Yan ang mga naririnig ko nang magkaroon ako ng malay. Pero hindi ako kumikilos para mag mukhang wala pa din akong malay. At isa pa, may naka takip na parang benda sa mga mata ko dahilan para hindi ako maka kita.

Nang hindi ko na matagalan pa ang pagkukunwari ko, ay dahan-dahan akong umupo sa kama ko. Naramdaman ko na may umalalay sakin sa pagkilos ko. Ngunit naka gapos ang mga kamay ko sa kama o sa kung saan man.

"Tawag mo si Dr. Takashi. Sabihin nagka malay na ang isa sa tatlo."

"Sige."

Pagkatapos nilang mag-usap, ay narinig bumukas at sumara ang pinto. Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko ulit na bumukas ang pinto at muling nag-sara.

"Kailan pa siya nagkamalay?"

"Ngayon-ngayon lang po Dr. Takashi."

"Kung ganoon dapat ng tanggalin ang benda sa mata niya."

"Masusunod po Dr. Takashi."

Naramdaman ko na ini-aalis ng mga nurse ang benda sa mata ko. Pagka-alis ng benda, ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang mga mukha nila. Gusto ko man silang sugurin dahil kung anong ginawa nila sa akin, ay hindi ko magawa dahil sa naka-gapos ako.

"Sabihin ninyo, ano ang ginawa niny sa akin?! At ang mga kasama ko, nasaan na sila?!" Galit kong tanong sa kanila. Ngunit kalmado lang sila.

"Ang una ay ginawa ka namin na isang hybrid erityian. Pangalawa, ang mga kasama mo na sa magkabilanh kwarto lamang." Kalmadong sagot nung doktor.

"Hybrid Erityian? Ano ang pinag sasabi mo?"

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now