Chapter 26: Akuma's Choice

106 7 0
                                    

Ang tawang iyon at ang birong iyon, siya na nga, si Akuma na nga ito.

Napangiti nalang kami ni Fumetsu nang marinig namin ang tawa at birong iyon. Samantalang ang iba ay nagtataka at patuloy na nagagalit dahil sa pagkakatali sa amin sa kama.

Sa isang di inaasahang pangyayari, biglang nakawala si Leila Chan at sinugod si Akuma. Alam namin ni Fumetsu na galit siya sa taong naka-itim (Akuma) dahil sa ginawa niyang pag bihag sa amin.

"Papatayin kita!" - Leila Chan

Iniiwasan at sinasangga lamang ni Akuma ang mga pag atakeng ginagawa ni  Leila Chan. Pero hindi ko pa din alam kung ano ang ginawa niya sa amin at nawalan kami ng malay.

Maya-maya pa ay nakawala na din ang iba gano'n na din kami ni Fumetsu. Nararamdaman kong unti-unti ng bumabalik ang lakas ko. Ang pakiramdam ko at siguradong sila din ay parang ginamitan ng Nerf Vaccine ng hindi itinuturok.

Nagpapatuloy ang pag atake ni Leila Chan kay Akuma at tumutulobg din ang mga Senshins at Huntres. Samantalang kami ay nanood lang sa ginagawa nila.

"Sabihin mo sino ka talaga? At nasaan si Akuma? Ilabas mo siya!" - Leila Chan

"Sige, gagawain ko ang gusto mo at ninyong lahat maliban sa dalawang iyon, kung matatamaan lamang ako ng kahit isa sa inyo." - Akuma

Grabe, wala talagang pagbabago sa pagkatao niya. Mahilig pa ding makipag kasundo sa mga taong alam niyang siya ang mananalo.

"Bakit maliban sa kanilang dalawa? Bakit natatakot kaba sa kanila ha? Duwag?" - Leila Chan

"Hindi ako natatakot sa kanilang dalawa. Alam ko lang ang kanilang kakayahan gayun din sa inyo. Alam kong higit na mas malakas ang dalawang iyon kaya ayaw kong makisali sila sa laro natin." - Akuma

"Eh duwag ka pala talaga eh! Kaming mga mas mahihina kumpara sa kanila. Ang kaya mo lang labanan ay kami." - Leila Chan

"Maaring mas mahina nga kami kumpara sa kanilang dalawa. Oo, inaamin namin na mas mahina talaga kami. Pero kapag sama-sama at nagtutulungan, walabg imposible. Tandaan mo yan." - Akemi

Tumatawa na lamang si Akuma sa mga sinabi nila. At habang natawa sila ay sinamantala nila iyon para talunin nila si Akuma. At nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Hindi lamang nila tinamaan si Akuma, nasugatan pa nila siya. Hindi ko alam kung sinadya niyang magpatama sa kanila o hindi, ang alam ko lang ay nagtagumpay sila sa laro ni Akuma.

"Magaling, magaling. Hindi lamang ninyo ako tinamaan, nasugatan pa ninyo ako. Dahil diyan ay sige, sasabihin ko lahat ng gusto ninyong malaman. Ngunit isang tanong lang kada tao. At kasama na kayong dalawa doon." Sabi ni Akuma sabay turo sa aming dalawa.

Binanggit niya ang pangalan ng bawat isa sa amin. Ang halos lahat sa kanila ay ang tanong ay kung paano niya nagawa ang lahat ng mga iyon. Pag tawag niya kay Leila Chan, wala ng pagdadalawang isip si Leila Chan na itanong kung nasaan si Akuma.

"Nandito lang ako Leila Chan, nakikipag-usap sa inyong lahat." - Akuma

Bakas sa mukha nila ang gulat ng malaman nilang si Akuma na pala ang taong kinagagalitan nila at kinalaban nila. Sunod akong tinawag ni Akuma para magtanong sa kaniya.

"Sabihin mo Akuma, paano mo ginawa yung pagpapahina sa amin?"

"Ah, simple lang iyon Fushishen. Vinaporized ko lang ang Nerf Vaccine at inihalo iyon sa loob ng atmosphere dito sa loob ng building. Nang sa ganoon, walang kamalay-malay ang mga biktima na manghihina sila." - Akuma

"Paano at bakit mo pa ginawa ang lahat ng ito?" - Fumetsu

"Uhm, bakit nga ba? Kasi wala lang. Nami-miss ko lang yung dati nating mga gawain noong nabubuhay pa tayo bilang mga humdrums." - Akuma

Bwiset na sagot sa kung bakit niya ginawa ang lahat ng ito. Pero aaminin ko na nakaka-miss din talaga ang buhay namin noong mga hundrums pa kami. Ibang-iba na kasi ang atmosphere dito sa lugar ng mga Erityians.

Nangmatapos na ang tanong sagot ni Akuma ay biglang nagtanong si Leila Chan,

"Ngayong naka balik kana at matapos mo kaming pag-alalahanin, takutin, galitin, saang tribo kana sasama?" - Leila Chan

Lahat kami ay napatingin kay Leila Chan at Akuma. Hindi ko naisip ang bagay na iyon. Pinatay na niya ang mga Shinigami sa Shinigami base at paniguradong pinag-hahanap na din siya ng ibang Shinigami para patayin. Kung kaya't hindi na niya pwedeng sabihin na babalik pa siyang muli sa mga Shinigami para magimbestiga.

"Ang totoo niyan, lahat na ng apat na tribo ay nasamahan ko na. Lahat tayo at naging magkakasama ng hindi ninyo namamalayan. Halimbawa nalang doon sa Divisions. Noong una, nagkunwari akong si Eien, the unforgiven. Tapos nagkunwari din akong si Daeshin. Doon sa lugar ng mga Custos, nagkunwari akong si Naia para maibigay ko sa inyo yung pekeng impormasyon ko bilang isang kriminal. Sa lugar naman ng mga Senshins, ang Tantei High, nagkunwari naman akong si Ms. Miyaka na humalili kay Ms. Michiko dahil sa isang classified na mission. Kaya nakakasama ninyo ako at nakakasama ko kayo ng hindi ninyo namamalayan." - Akuma

"Ibig sabihin ikaw ang lahat ng iyon?" - Akemi

"Oo Akemi, ako lahat iyon." - Akuma

"At dahil sa mga iyon, napag-planuhan, napag-isipan ko ng mabuti kung saan ako sasama. At ang pasiya ko ay,"

To be continued............

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now