Chapter 44: Island of Shima (part 1)

45 2 0
                                    

Matapos ang naging kasiyahan namin ay ipinakilala na ni Deveraux ang kapatid niya sa lahat ng naandito. Napapansin kong mas maaliwalas na ang mukha nito, wala na ang pagiging masungit at pagiging sobrang seryoso nito. Napansin ko ding nagiging pala-ngiti na ito at naging maluwag na sa mga alipin, anupat pinalaya na niya silang lahat maliban kay Hiela. Hindi nagsialisan ang mga alipin, at sinabi pa nilang gusto nilang sumama o sumapi sa amin. Pumayag naman siya at inutusan ang mga dating alipin na taga gawa ng umiporme namin na gumawa ng mga bago para sa bagong sasali. At bigla nalang may mga hindi inaasahang bisita ang dumating,

"Akuma! Leila!" Bati ni Gemma habang nakaway sa amin. At kasama din niya sila Fushishen

"Oy! Na miss ko kayo!" Kaway naman pabalik ni Leila Chan sa kanila.

Nangmakalapit na sila sa amin ay nagbesohan sila sa isa't-isa. Samantalang si Fushishen naman ay ang sama ng titig sa akin.

"Bakit?" Tanong ko kay Fushishen.

Hindi naimik si Fushishen at napansin ko at ni Leila Chan na natikom ang kamay nito.

"Woah, woah, kalma ka lang Fushishen," sabi ni Leila habang hinahawakan ang kamay ni Fushishen.

"Ano ba kasi ang ginawa mo Akuma at nagalit sayo si Fushishen?" Sabi nito habang habang hawak pa din ang kamay ni Fushishen na para bang kahit anong oras ay susuntukin ako.

Huminga ng malalim si Fushsihen at sinabi kay Leila Chan na okay lang siya. Nang bitawan ni Leila Chan ang kamay niya ay bigla nalang lumapat ang kamao ni Fushishen sa mukha ko. Lahat kami ay nagulat sa ginawa niya. Huminga lang ulit ito ng malalim at nagsalita,

"Para yan sa hindi mo pagsasabi sa amin na ililigtas mo si Leila Chan." Sabi niya at bumalik na ang dating ekspresyon ng mukha niya.

Napangiti nalang ako kahit masakit ang parteng sinuntok ni Fushishen.
Inalalayan niya akong tumayo dahil napaupo ako kanina. Pinagpag ko ang pwetan ko dahil sa bahagyang dumi dito. Pagkatapos ay niyaya namin sila sa meeting room para kumain ng meryenda at makapag kwentuhan silang muli nila Leila Chan at ng mga Huntres.

"So Akuma, saan mo pala natagpuan si Leila?" - Ash

"Nakita ko siya sa North Black Division." - Akuma

Bahagya silang napabuga sa sinabi ko, at hindi ko alam kung bakit.

"Sa North Black ba kamo?" - Gemma

"Oo. Bakit?" Si Leila naman ang sumagot ngayon.

"Nasaan ka sa North Black? Bakit parang hindi ka namin nakita?" - Ash

"Nasa loob ako ng underground street fighting. Tapos lumabas ako kasi hindi ko naman siya makita at nababgot na din kasi ako at nagugutom." - Akuma

"Ang sinasabi mo bang underground street fighting ay yung may malaking logo na 'EZ' ang nakasulat?" - tanong naman ni Fushishen.

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. At nagulat at nagtaka sila dahil doon.

"Teka paano ka nakapasok doo Akuma?" - Tanong ulit ni Fushishen.

"Tanda nyo pa ba noong maging si Eien ako?"

"Oo natatandaan ko pa."

"May mga gang kasi na ingawan ko ng base. At natatandaan nila ang mukha ko bilang si Eien, The Unforgiven."

Napansin ko namang napangiti si Leila Chan sa tabi ko. Tapos ay tinanong ko siya kung ano ang nakakatawa, pero sinasabi niyang wala. Pinilit ko siyang sabihin ang totoo at nagsalita naman siya.

"Naalala ko lang kasi ginaya kita noon. Noong hindi ko pa alam na si Akuma pala ay ang pinaka mapanganib na kriminal noon." Sabi nito habang pinipigil ang pagtawa ng mahina.

"Tama, pinahirapan mo pa kami noon Leila Chan eh." Sabi ni Crystal at biglang nalang tumawa. Lahat kami ay napatingin sa kanya, at binigyan niya kami sa ng masamang tingin.

"Hindi ko alam na maruning ka palang tumawa Crystal. Ang akala ko ay sobrang seryoso mo, may itinatago ka din pala." Sabi ni Leila Chan na bahagyang inasar si Crystal.

Nagtawanan lang kami dahil doon. Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan at pinagbuksan siya ni Leila Chan. May sinabi siya dito at may iniutos din naman si Leila Chan.

"May mga bago tayong bisita!"

Sabi nito at bakas sa mukha niya ang saya na nararamdaman niya. Mukhang alam ko na kung sinu-sino ang mga bagong bistita na tinutukoy niya. Pagkatapos ay may kumatok sa pinto at binuksan iyon. Hindi ko nagkamali sa iniisip ko. Pumasok Fumetsu at ang mga Senshins at kasama din nila sila Nel, Jett, Cliff, at Naia.

"Long time no see Leila Chan!" Masiglang bati ni Fumetsu sa kanila.

Katulad ng nauna ng ginawa ni Leila Chan, nakipag beso din ito sa kanila. At katulad din ulit ng kanina, masama din ang tingin ni Fumetsu at nakatikom din ang kamay. Pinapakalma din siya ni Leila Chan pero sinabi kong wag na dahil alam ko din naman ang gagawin niya sa akin. Nangbitawan ni Leila ang kamay niya, nangyari na nga ang iniisip kong gagawin niya. Tumama ang kamao niya eksakto sa lugar kung saan tumama ang kamao ni Fushihen kanina. Nahilo ako sa lakas ng suntok niya kaya napaupo ulit ako sa sahig.

"Teka, teka, parang nakita ko na ang pangyayaring ito ah?" - Fushishen at kumilos ito na para bang baliw na sinasabing nakita na niya ang nangyari.

"Kailan kapa naging manghuhula Fushishen?" - Akemi

"Hindi siya manghuhula," sabi ko habang inaalalayan akong tumayo nila Ken, Reiji, at Hiro.

"Kasi ganyan din ang ginawa sa kanya ni Fushishen kanina. At sa eksaktong lugar din sa mukha niya tumama ang suntok ni Fushishen kanina." Sabi ni Gemma.

Napangiti nalang ako nangyari at ganoon din si Fumetsu. Nagtawanan din naman sila. Pagkatapos ay sinabihan ko Kyle, ang batang lagi nagdadala ng meryenda ko, na kumuha pa ng mga karagdagang meryenda para sa mga baging dating na bisita.

Nagkwentuhan ulit kami. Inulit nila ang tanong sa akin at ang mga sagot ko sa kanila ay inulit ko din. Masaya kaming nakukwentuhan dito anupat hindi namin namalayan ang oras. Nagpaalam na kami sa isa't-isa, pero pa man makasakay sila Nel sa kanilang sasakyan, sila Fushishen sa kanila ding sasakyan, at sila Fumetsu kay Miyu, nagsalita si Hiro,

"Malamang Akuma na bukas o sa nga susunod na araw ay dadating na dito ang mga taga Island of Shima para kunin si Hiela," sabi nito at nakita ko pamumutla sa mukha ng mga Senshins, Huntres, at ng mga Custos.

"Teka, bakit namumutla kayo?" Tanong ni Leila Chan na halatang hindi pa alam kung anong meron sa Island of Shima.

"Mamaya ko na ipapaliwanag sayo Leila," wika ko sa kanya. At alam ko na sa araw na dunating ang araw na iyon, dapat na din akong maging handa.

"At kapag dumating ang araw na iyon, alam mo na sig-"

"Oo alam ko na Hiro. Matagal ko ng inihanda ang sarili ko doon."

Nagtataka sila Fumetsu at Fushishen dahil sa pag-uusap naming iyon ni Hiro ay kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan. Pagkatapos noon ay pumasok na si Hiro kay Miyu at sumunod na Fumetsu kay Hiro. Sumakay na din sila Fushushen at ang mga Huntres sa kanilang sasakyan pati na din sila Nel. Kumaway kaming dalawa ni Leila Chan sa kanila bilang tanda ng pagpapaalam sa kanila.

"Akuma, ano ba yung Island of Shima?"

PROJECT: Hybrid Erityian Race Where stories live. Discover now