"So sinabi ni Akuma na may makikita tayo sa dating hide out natin?" - Fumetsu
"Oo. Yun ang sinabi niya sa video."
"Ano pang hinihintay natin? Tara na at baka hindi natin abutan si Akuma doon." - Fumetsu
Magmamadaling umalis si Fumetsu dahil gustong-gusto na niya makita si Akuma. Kahit naman ako gustong-gusto ko na din. Pero inihanda ko na ang sarili ko kung sakaling clue lang ulit ang nandoon.
Umalis na kaming lahat para pumunta sa dating hide out namin sa dati naming school. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Bago pa kami makapasok sa village kung nasaan ang school namin, sira-sira na ito na para bang may gerang nangyari. Napakatahimik at wala ng kahit ano o kahit sinong naka tira dito. At lalpng hindi ako makapaniwala nang makita ko ang lugar kung saan dati nakatayo ang school namin. Ang buong building ay halos mabura na dahil sa mga guho at sira nito.
Bumaba kaming lahat sa sasakyan namin at tinitingnan ang buong paligid. Kalunos-lunos ang makikita sa kapaligiran. Di nagtagal ay naisipan kong puntahan ang lugar kung nasaan ang dati naming hide out. Napansin ko namang nakasunod sila sa akin kaya di ko kailangang mag-alala sa kanila. Mabuti nalang at nakatayo pa ito kahit puro sira na.
Nagikot-ikot kami sa buong kwarto para hanapin si Akuma o mga clue na iniwan niya. Habang naghahanap, naghahalungkat ng mga gamit, may biglang umatake sa amin. Mga pana at palaso, mga nagi-swing na mga espada at may mga traps pa nga. Iniiwasan namin lahat ng mga patibong na nandito. Pero sa isang di inaasahang pangyayari, may kung sino man sa amin ang nakapag-trigger ng isang usok. Maaring lason ito dahil lahat kami ay nakaramdam ng panghihina. Maya-maya pa ay may naririnig na kaming naglalakad palapit sa lugar namin. Pinilit ko at ni Fumetsu na tumayo para lumaban sa abot ng aming makakaya.
"Sino ka?!"
Naka suot siya ng isang parang kapa na sira-sira na kulay itim. At at ang ulo niya ay pumpkin na katulad ng sa haloween.
"Sino ka?! Sagutin mo ko!" - Fumetsu
Hindi siya umiimik hanggang sa tuluyan na akong bumagsak sa sahig pati na din si Fumetsu.
At ang sumunod na naalala ko ay nagising ako sa isang kawarto na kamukha ng laboratory ng mga Shinigami. Naka tali ang buong katawan ko at may mga nakatusok sa akin na kung ano-ano. Lumingon ako sa paligid para tingnan kung may kasama ako sa kwarto, at nandito silang lahat. Ang iba ngalang ay wala pang malay maliban kay Fumetsu.
"Lintik na yan. Hindi ko magamit at mga kapangyarihan ko." - Fumetsu
May nag bukas ng pinto. At nang pumasok ang nagbukas nito, nakita naming muli ni Fumetsu ang misteryosong tao na may ulong pumpkin.
Tumingin siya parehas samin ni Fumetsu at hinawakan niya ang mga kasama naming wala pang malay."Sino ka? At nasaan kami?"
"Pakawalan mo kami dito!"
"Kapag ako nakawala, hihiwain kita ng pira-piraso!"
Tumawa lang ang misteryosong lalaki. May hawak siyang remote at ng may pinindot siya ay tumaas ang kama na kinahihigaan namin.
"Oras na ng pagpapakilala. Ako nga pala si Grim Reaper. De joke lang. Hahaha."
Ang tawang iyon at ang birong iyon, siya na nga, si Akuma na nga ito.
YOU ARE READING
PROJECT: Hybrid Erityian Race
FanfictionWhich tribe we will join? SENSHINS, SHINIGAMI, HUNTRES, OR CUSTOS? -COMPLETED- This is a fanfiction of Erityian Tribes Series of Purpleyhan.