Chapter 7: Professor Fross

4.1K 179 28
                                    

Chapter 7: Professor Fross

Freya's Point of View

"Ano itong nabalitaan ko na tumakas ka?" dumako ang tingin ng matandang lalake sa akin at kay Ada. "At ano ang mga ito?"

"Uhm, mga tao po obviously?" pabirong sagot ni Sabine pero nanatili sa grim na ekpresyon ang matanda. "Joke lang po Professor. Hehe."

Tumingin si Sabine sa akin. "Siya po si Freya at siya naman po si Ada," lumipat ang tingin ni Professor Fross kay Ada. "Freya si Professor Fross," awkward na saad ni Sab.

Gusto ko sanang ipakita ang pagkamaldita ko sa matandang ito pero may respeto pa naman ako. "Hello. Good morning po, Professor," bati ko. Akala ko susungitan o bibigyan niya ako ng death glare niya pero nagbago ang ekspresyon niya at ngumiti.

"Ikinagagalak kong makilala ka Freya at ang kaibigan mong si Ada," medyo nanliit ang kanyang mata na tila may iniisip. "Ano ba ang nangyari sa inyo? Bakit walang malay iyang si Ada?"

"Naaksidente po sila---"

"Hindi ikaw ang tinatanong ko Sabine," madiin na pagkakasabi ni Professor kaya tumahimik nalang si Sab.

Naglakad siya palapit sa paanan ng hinihigaan ni Ada. Sa maayos at tuwid niyang paglalakad, hindi halatang matanda na siya. Tumayo ako bilang respeto, nakakapagod ang pagiging polite at respectful, ha.

"Long story po," tumingin ako kay Sabine para itanong kung okay lang na sabihin ko ang nangyari sa amin. Tumango naman siya.

"Naaksidente po ang sinasakyan naming bus. Inatake po kami ng Claws daw ang tawag," nangunot ang kanyang mata sa narinig. "Hinabol po kami nito sa kagubatan. Mabuti nalang po at nahanap namin ang malaking bahay at nakilala si Sabine at Clifford. Niligtas nila kami."

Sinulyapan ng matanda si Sabine. "Kung ganoon, hindi pala aksaya ang pagtakas mo Sabine. Kasama si Clifford Pax," napakamot na lamang si Cliff na ngayon ay nakaupo sa sofa sa bandang kaliwa ko.

"Freya, may ibang kasama ba kayo noong nakita n'yo ang bahay?" tanong ulit ng matanda.

"Opo, pero nakapagtataka lang po kasi hindi nila nakita ang bahay. Kaming dalawa lang ni Ada ang nakakakita sa bahay," tumingin ako kay Ada na ginagamot parin. Hindi ko maintindihan ang pamamaraan ng kanilang paggamot. Umiilaw ng kulay asul ang dalawang kamay ng babae habang nakahawak siya sa kamay ni Ada.

"Dahil mga mortal sila, walang kakayahan ang mga mundane na makita ang bahay na iyon dahil sa seal na tinatawag na glamour. At kayo naman ni Ada ay kabilang sa amin. Tanging mga peritians lang tulad natin ang nakakakita kahit pa sa glamour." Dahan-dahan akong tumango.

"Matanong ko lang, ano ba ang kakayahan n'yo? Special Ability meron kayo ni Ada?" napatitig ako kay Ada. May kakayahan siya pagdating sa apoy at nakita iyon ng dalawa kong mata.

"Hindi ko po alam." Sagot ko nalang, iiwan ko na kay Ada iyon. Siya ang may karapatan na sabihin ang kakayahang meron siya.

Tumango na lamang si Professor at nag-isip nang malalim. Uupo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto.

"Nandito na po ako Professor," anunsiyo ng bagong dating na babae. Palagay ko'y magkasing-edad lang kami, estudyante rin siguro ito.

"Hello, Sabine." Bati ng babae, ngumiti si Sab bilang tugon. Lumapit ang bagong dating kay Professor Fross.

"Ah. Cole, mabuti naman at nakarating ka agad," tumingin si Professor sa akin. "Freya, this is Cole Moore. She has the special ability to sense a peritian soul in a body. She also can identify what ability a peritian has. Cole, this is Freya and that is Ada," nagulat nalang ako sa biglang pag-English ni Professor Fross. He has this British accent like that of a 'middle earth' one.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon