Chapter 37: Poisoned

3.4K 157 45
                                    

Chapter 37: Poisoned

Freya's Point of View

"Ako ang bahala sa kanya," rinig kong sabi ng babaeng nakaponytail at tumango naman ang lalakeng kulot ang buhok. Naglakad ang babae palapit sa akin with nothing on her hands.

Tinignan ko ulit sa magkabilang gilid ko ang kutsilyo ng babae na bumaon sa katawan ng puno. Okay here it goes.

Tumakbo ang babae at noong nakalapit na siya sa akin agad siyang nagpalipad ng sipa sa aking kaliwa. Ginamit ko ang dalawa kong palad para depensahan ang sarili ko. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Inulit niya ang pagsipa sa akin hindi lang isang beses kung 'di tatlong beses. Paulit-ulit niya akong sinipa sa aking kaliwa sa iisang target lang. Paulit-ulit ko namang sinubukang depensahan ang sarili ko gamit ang dalawa kong palad.

Sa unang depensa ko ay medyo okay pa ngunit sa pangalawa at habang tumatagal ay sumasakit na ang palad at kamay ko dahil sa malakas na pagkakasipa ng babaeng ito.

Abante siya nang abante habang ako ay sinisipa at ako naman ay atras-nang atras. Sa aking kakaatras, nabangga ang likod ko sa puno. Hindi ko naitago ang aking pagngiwi.

"Sino ka sa inaakala mo?!" tanong niya. Noong hindi na ako makagalaw, sunod-sunod siyang nagpalipad ng suntok. Ako naman ay maingat na inilagan ang kanyang mga suntok.

"Hindi mo ako kaya!" sigaw niya. Nakafocus ako sa sinasabi niya kaya noong nagpalipad na naman siya ng suntok, hindi ako nakailag. Sumapol ito sa kanang pisngi ko.

Napahiyaw ako dahil doon. Hindi pa siya nakuntento at sinuntok na naman ako sa aking kaliwang pisngi. Nandilim ang aking paningin, halos mapamura ako dahil sa sakit.

Akala ko ay kaya ko ang babaeng ito dahil sanay akong makipagbasag ulo sa mga mortal.

Muntik ko nang makalimutan na hindi mortal ang mga kaharap ko ngayon.

"Now you get what you want! You will regret interrupting!" in a blink of an eye, nakita ko kung paano siya akmang susuntok.

Sinalo ko ang kaliwang wrist niya gamit ang kaliwang kamay ko. Kinuyom ko ang aking kamao at agad ko siyang sinuntok sa mukha gamit ang kanang kamay ko nang buong lakas.

Napaungol siya sa pagtama ng aking kamao sa kanyang mukha. Hindi na ako nagsayang ng oras at sinuntok ko ulit siya sa mukha ng dalawa pang beses. Napapaatras siya sa bawat sapol ng kamao ko sa kanyang mukha.

I greeted my teeth while staring at her. I can taste the blood in my mouth. It sent irritation and anger in my system, in my body. Sumigaw ako at kasabay ng pagsigaw kong iyon ay ang pagtadyak ko sa kanya.

Napaatras ang babae kasabay ng kanyang paghiyaw saka siya natumba at napaupo sa lupa.

Ilang segundo lang ay napansin ko ang maliit na bagay na lumilipad patungo sa akin. Tumingin ako sa direksyon nito, dahil sa bilis nito ay hindi ako nakailag.

Bumaon ang manipis na bagay na ito sa aking kaliwang braso.

Napahawak ako sa aking braso nang magsimula itong dumugo. Doon ko napagtanto na isang dahon pala ang bumaon sa braso ko. Ang ipinagkaiba ng dahon na ito sa ibang dahon ay tuwid ito. Ang dahon na ito ay tila isang maliit na patalim sa talas nito.

"Huwag kang makialam!" galit na sigaw ng babae habang nakatingin sa lalake.

"P-pero, malakas siya." Halos mapaatras ang lalake dahil sa tinging binibigay ng babae sa kanya.

Doon ko napagtanto na ang lalake pala ang tumapon nang matalas na dahon sa braso ko. Nakikita ko ngayon ang dahon na hawak niya sa magkabilang kamay. Normal lang itong tignan kapag hawak niya, pero nagiging kasing talas at tuwid ng kutsilyo o blade kapag tinapon niya ito.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon