Chapter 23: Festive Mark
Freya's Point of View
Tinitigan ko na lamang ang Minion ng Despicable Me na lalagyan ng ballpen. Tahimik lang si Professor, naghihintay sa sasabihin ko. Napalunok na lang ako sa naisip.
"Uhm. Ang ability ko po ay--" nahinto ako sa sasabihin dahil may kumatok sa pinto. Isang anghel ang kumatok sa pinto ngayon. Pareho kaming napatingin ni Professor.
Bumukas ang pinto at sumilip ang isang lalake. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang kami, hindi siya nakasuot ng uniform. Natagpuan ko ang sarili kong nakanganga, anghel nga ang isang 'to. Umiwas ako ng tingin bago ko pa mapahiya ang sarili ko.
"Professor," the guy said in a low tone, nakahawak parin siya sa doorknob. "Tungkol po kay sir Kenneth, nasa infirmary na po siya."
Tinignan ako saglit ni Professor saka siya tumango. "I still want to talk to you pero may kailangan pa akong unahin." He sighed. "Pwede ka nang umalis, Freya. Thank you for your time."
Tumayo ako at biglang nakaramdam ng consciousness sa pagkakatayo. "Sige po, Professor."
Napalunok ako at tinungo ang pinto. Nakahawak parin ang lalake sa doorknob. Lumakas ang tibok ng puso ko habang lumiliit ang distansya naming dalawa ng lalake. Bumagay sa kanya ang suot na black pants, black shirt na sinamahan pa ng black coat. Halos nakayuko na ako.
Mas niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at binigyan ako ng daan. Halos mapahawak na ako sa dibdib ko sa lakas ng kabog ng puso ko. Dumaan ako sa gilid niya, pakiramdam ko pa'y bumagal ang oras noong dumaan ako sa tabi niya. Napansin ng peripheral vision ko ang itim at pabilog na earings niya sa kaliwang tenga.
"Ang ganda mo kahit kinakabahan."
Lumingon ako sa kanya dahil sa narinig. Kanina ay ang lakas ng tibok ng puso ko, ngayon ay parang tumigil na ito. Saglit siyang ngumiti, lalong sumingkit ang mata niya.
Hindi ako nakaimik kaya binilisan ko na lang ang pagbaba ko sa hagdan. Noong nakalayo na ako, napahawak na lang ako sa aking dibdib. Abnormal parin ito.
Huminga ako nang malalim at inirelax ang sarili. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa cafeteria. Lunch time na kasi at balak ko sanang bumalik sa park pero pinigilan ako ng gutom ko. Lumapit ako sa bakanteng mesa dala-dala ang tray ng pagkain. Naghugas ako ng kamay at bumalik din agad, saka ko sinimulan ang pagkain.
Habang kumakain, lumitaw nalang bigla ang mukha ng lalake kanina. Bakit gano'n nalang ang kaba ko kanina? Ano bang meron sa lalaking 'yon?
"Best, ano'ng parcel mo? Sa Magma ako, ang gwapo talaga ni Drake. "
"Sa Magma ka? Ako sa Aqua ako eh, pero okay lang din naman. Idol ko naman si Sabine."
Dumaan sa likuran ko ang dalawang babae, pinili nilang umupo sa mesa na nasa kaliwa ilang distansya mula sa'kin. I didn't intend to overhear their conversation, their voice are just too loud.
"Pero best, may ichichika ako sa'yo!"
"Ano 'yon? Sige na, sabihin mo na."
"Ayon nga, sa Aqua ang Parcel ko tapos kanina paglabas ko sa initiation room ko nakita ko si sir Kenneth na nahimatay."
Sinubo ko ang kanin sa bibig ko at nangunot nalang ang aking noo. Kenneth? Bakit pamilyar ang pangalan?
Sa Parcel of Aqua rin siya gaya ko. At baka naman iisang lalake lang ang nakita namin kanina sa hallway?
"Owws? Ang crush kong si sir Kenneth? Nag-collapse?"
"Oo, hindi ko nga lang alam kung bakit nahimatay nalang si sir nang gano'n."
![](https://img.wattpad.com/cover/113045737-288-k185716.jpg)
BINABASA MO ANG
Peritia Academy
FantasyAbilities. Beasts. A game. A mind-boggling mystery. An extraordinary twist. Get ready to be enthralled. Fantasy/Mystery-Thriller/Action/Comedy Date Started: June 25, 2017 Date Completed: ___