Chapter 49: Crusayle Khuncor

1.5K 95 18
                                    

Chapter 49: Crusayle Khuncor

Freya's Point of View

"Ate tara na," umalingawngaw ang boses ni Trunks sa loob. Napatingin ako saglit sa loob saka ko binalik ang tingin ko kay Callus. Ngunit bigla na lang siyang nawala.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid pero hindi ko na nakikita si Callus.

"Freya," nag-eecho rin ang boses ni Luke sa loob. Inilibot ko ulit ang tingin ko sa paligid, saka ako pumasok.

Malamig sa loob ng katawan ng puno. Sa loob ay sinalubong ako ng mahabang hagdanan papunta sa itaas. Ang hagdan ay gawa sa kahoy at may mga dahon at mga ugat pang tumutubo at nakapulupot dito.

Nasa ika-limang hakbang na si Trunks ng hagdan. Habang ang kanang paa naman ni Luke ay nakapatong sa unang step ng hagdan na tila nagdadalawang-isip pang umakyat.

Tanging mahabang hagdan lang ang makikita rito sa ibaba. Madilim rin sa ibang sulok ng puno.

Hindi gaanong malapad ang hagdan. Tama lang na pagkasyahin ang limang average size na mga tao sa iisang linya.

"Tara na ate, kuya," saad ni Trunks at nauna nang umakyat sa itaas. Umaalingawngaw pa ang kanyang mga yapak dahil sa katahimikan ng lugar. Tumingin pa saglit si Luke sa'kin bago sumunod.

Madilim ang nasa likod ng hagdan at aakalain mong walang kahit anong poste ang sumusuporta rito. Sa gilid ng hagdan ay may mga nakalutang na nakasinding lampara.

Malamig at madilim, medyo nakakapanindig balahibo ang atmosphere ng paligid.

"Namiss ko rito," kahit nakatalikod si Trunks alam kong nakangiti siya. Saglit akong nilingon ni Trunks. "Sigurado ate, magugustuhan n'yo rito."

Umaalingawngaw parin ang aming mga yapak. I don't quite get it but this place is oddly familiar to me. O nakita ko na kaya ito sa panaginip ko?

Nagpatuloy kami sa pag-akyat sa hagdan hanggang sa narating namin ang tuktok. Medyo malaki naman ang landing kaya nagkasya kaming tatlo. Nakatayo si Trunks sa kaliwa ko habang nasa kanan ko naman si Luke. Dito sa itaas ay mas maliwanag kumpara sa ibaba.

"Now what?" Luke asked immediately, he still has this 'unwillingness.'

Sa harapan namin ay may malaking pinto. Hindi naman higante ang pinto pero malaki ito kumpara sa usual na sukat ng normal pinto. A normal door would be half of this size.

"Papasok tayo?" tanong ni Luke habang nakatingala sa malaking pinto.

"Obviously, yes. Nandito na rin tayo," I answered and took a step closer to the door.

"Sigurado kang pinto 'yan? Eh wala ngang doorknob." Napatigil ako sa sinabi ni Luke. Tama siya, wala ngang doorknob ang pinto. Tinignan ko si Trunks at tinignan lang kami nito.

Lumapit si Trunks sa akin at hinawakan ang kaliwang kamay ko. Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginawa, saka niya inilapat ang aking palad sa pinto.

Sa oras na dumikit and palad ko sa pinto ay may naramdaman akong kakaiba. Saka naman bumukas nang dahan-dahan ang pinto. Rinig pa namin ang daing na ingay ng pinto habang bumubukas ito.

Binitawan ako ni Trunks at ngumiti sa'kin. Saglit kaming nagkatinginan ni Luke saka kami namangha sa sumalubong sa amin sa loob.

"Tara na po sa loob," tumakbo si Trunks sa loob at pangiti-ngiti pa ito.

Luke's jaw dropped while entering, he was almost like hypnotized. Pumasok na rin ako habang manghang-mangha parin sa nakikita.

Sa loob kasi ay isang napakalaking library. Hindi namin inakalang ang Tree-house na ito ay isa palang malaki at napakalawak na library.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon