Chapter 15: She is A Guardian

3.6K 170 10
                                    

Chapter 15: She is a Guardian

Freya's Point of View


Kumurap-kurap ako, nag-eecho parin ang mga boses sa utak ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ko naririnig ang mga boses na ito.

Nakatingin parin ako sa nilalaman ng libro, nagkasalubong nalang ang kilay ko nang tila gumalaw ang mga ancient letters dito. Para itong nabuhay at bumangon mula sa libro, nagbebend pa ang mga ito na animoy sumasayaw.

Umiling ako at sinubukang balewalain ang nakikita ko. May binigkas na iilang salita si aling Nemesis, wala akong maintindihan sa mga ito. Tumingin ulit ako sa libro at hindi na gumagalaw ang mga nakasulat dito. Wala na rin akong naririnig na boses sa utak ko.

"Pumikit ka Ada," sumunod agad si Ada sa utos ni aling Nemesis at pumikit. "Subukan mong irelax ang sarili mo, hayaan mong pasukin ko ito."

My eyes caught Ada's fingers, twitching. As if because of anxiety. I tried locking both my eyes on her, waiting for something to happen.

May binigkas na naman si Aling Nemesis, she's almost mumbling to me. Kagaya ni Ada, nakapikit na rin si Aling Nemesis habang nakahawak parin sa nakabukas na lumang libro.

Nahuli ng mata ko ang bahagyang pag-galaw ng maliit na apoy sa bawat kandila. Wala namang hangin na magiging dahilan ng pag-galaw ng mga ito.

"Huwag mong pigilan ito Ada, hayaan mong dumaloy ito sa katawan mo. Tanggapin mo ito nang buo, bilang parte ng pagkatao mo." Umalingawngaw ang boses ni Aling Nemesis, malalim ito. Tila bumilis ang paghinga ni Ada, parang hinahabol niya ito. "Ikaw ang isa sa mga napili."

Madiin na pumikit si Ada, napakuyom na rin siya ng kanyang kamao. Parang may nilalabanan siyang kung ano. "Ada Eilerson, ikaw ang huling miyembro. Ang huling Guardian na kukumpleto."

Guardian.

Napaawang si Ada, parang nahihirapan na siya. Napalunok na lamang ako, umiilaw na ang bato ng kwintas na suot ni Aling Nemesis, kulay berde ang ilaw na ito. Palipat-lipat ang tingin ko kay Ada at kay Aling Nemesis.

Gusto kong lapitan si Ada at hatakin siya, ramdam ko na lubos na siyang nahihirapan. Nakarehistro ang pasakit kay Ada.

"Ayoko na! Hindi ko gusto 'to!" nanlaki ang mata ko sa sigaw ni Ada. Nanghihina na siya.

"Kayanin mo Ada! Ito lamang ang tanging paraan!" sigaw ni Aling Nemesis, umiiling na si Ada. Pakiramdam ko rin ay gusto niyang gumalaw pero tila naparalyzed na siya.

"Aling Nemesis, itigil niyo na 'to! Nasasaktan na si Ada!"

Parang bingi lang siya at hindi ako pinansin.

"Ano ba, tama na! Please! Itigil n'yo na po 'to! 'Wag n'yo po siyang pilitin!" halos maluha na ako sa pagsigaw. Hindi niya parin ako pinansin. Halos manginig na si Ada sa kanyang kinatatayuan. Nakapikit parin silang dalawa ni Aling Nemesis.

Baka ikamatay pa na Ada ito.

Hindi na ako nakapagpigil kaya ako humakbang. Lalapitan ko na sana si Ada at hatakin palabas sa bilog na iyon. Pero bago pa man ako makalapit sa bilog ay biglaan nalang sumigaw si Ada.

Halos mabasag na ang lalamunan ni Ada sa kanyang pagsigaw.

Kasabay iyon ng pagliyab ng apoy sa magkabila niyang kamay.

Tila binuhusan ako nang malamig na tubig, nanlambot ang tuhod ko at pabagsak akong napaupo sa sahig.

Paulit-ulit na sumigaw si Ada, her voice raw. Her throat almost tearing apart. Palaki nang palaki ang apoy sa dalawang kamay ni Ada, para na itong kulay ng magma ng bulkan.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon