Chapter 38: A Warning

2.9K 144 33
                                    

Chapter 38: A Warning

Freya's Point of View

"Freya, halika," isang pamilyar na boses ang tila natatarantang lumapit sa akin. Maya-maya lang ay may babae na ang inaalalayan akong tumayo.

"S-sino ka?" hindi ko mapigilang itanong. Unti-unti akong nanghihina pero nakikita ko pa naman ang paligid. At kung ano ang kasalukuyang nangyayari.

"Hindi mo 'ko makilala? Ano ba kasing ginawa nila sa'yo?" tanong ng babae sa akin habang inaalalayan akong maglakad palayo. "Kaibigan mo 'ko ano ka ba?!"

Alam ko na kilala ko ang babaeng ito. Sadyang labis akong nanghihina kaya hindi ako makapag-isip nang diretso. Kilala ko siya, silang dalawa.

"Anong ginawa n'yo sa kanya?!" tila galit na tanong ng babae na ang kamay ay nagliliyab sa apoy.

"Ayan, dahan-dahan," sabi ng babae habang tinutulungan akong sumandal sa puno hindi gaanong malayo sa mga taong nakalaban ko kanina. "D-dito ka lang Freya, ha? Huwag kang gagalaw! Tutulungan ko muna si Ada, aalamin ko kung ano ang ginawa nila sa'yo."

Umalis na ang babae sa aking harapan at nagmadaling lumapit sa babaeng nagliliyab ang kamay. Tinawag niya itong Ada. Kilala ko siya, taong mahalaga sa'kin.

"At sino naman kayo? At ikaw, hindi mo ako matatakot sa apoy mong 'yan."

"Jean, umalis na tayo rito! Hindi natin sila kaya. Kilala ko siya. Isa siya sa siya sa mga Guardians ng anim na Bearers! Mapapahamak lang tayo rito!"

"Gano'n ba? Naalala ko na! Ikaw iyong bagong dating na Guardian, eh ang sabi-sabi ang hina-hina mo raw para ituring na isang Guardian. Mas malakas pa raw ang ibang normal na peritians. Hindi mo 'ko matatakot!"

"Jean tumahimik ka nga! Ano ka ba? Umalis na tayo rito!"

"Umalis ka kung gusto mo. Ipapamukha ko muna sa isang nerd na ito na mahina siya. Katulad ng kaibigan niyang nag-aagaw buhay na ngayon. Na hindi siya karapatdpapat maging isang Guardian. Mamamatay na sana 'yang kaibigan n'yo eh, kung hindi lang kayo dumating. Nevermind, mamamatay rin naman siya mayamaya lang."

"Mitchie?" labis nang nanlalabo ang paningin ko noong narinig kong magsalit si Ada. Nakayuko lang siya. Kalmado ang kanyang boses. Pakiramdam ko maya-maya ay mawawalan na ako ng malay.

"Yes, Ada?"

"Pwede ko ba silang patayin?" nanindig ang balahibo ko dahil sa lamig ng boses ni Ada.

"Uhm not really.  We can fight but not kill."

"Gano'n ba?" naririnig ko parin ang kalmadong boses ni Ada. Nakapikit na ang mga mata ko sa mga oras na ito.

Sa huling pagkakataon ay nagmulat ako nang mata. Kahit malabo ang aking paningin, nakita ko parin si Ada na lumingon at tinignan ako. Saka niya hinarap ang dalawang kalaban.

Nakita ko kung paano unti-unting lumaki ang apoy sa kanyang mga kamay bago ako napapikit.

Bago ako tuluyang nawalan ng malay. Nakarinig ako nang isang malakas na pagsabog.

***

Nagmulat ako at natagpuan ang sarili sa parehong lugar. Nasa ganoong posisyon parin ako, nakasandal sa malaking puno. Ang ipinagkaiba nga lang ay hindi ko na nakikita si Ada at Mitchie pati na rin ang iba pa.

"Mag-iingat ka sa susunod," halos tumalon ang kaluluwa ko sa gulat dahil sa nagsalita.

Nakatayo ngayon sa kaliwa ko malapit lang sa akin ang lalakeng nakasuot black cloak. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makita ang kanyang mukha dahil kagaya ng mga una naming tagpo ay natatakpan ng hood ang kanyang mukha.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon