Chapter 18: Shopping?
Someone's Point of View
Dark and grayish clouds started to spread across the sky, fighting for dominance. It continued to press in, sucking out light out from above.
Thunder boomed and echoed like a cannon in a war. I looked passed the window in front of me, staring at the beads of water sliding their way down. Rain began to pour.
A flicker of sadness touched me. Like a poison slowly eating each happy thoughts that chose to stay with me.
Nakita ko ang mga estudyante na kanya-kanya sa pagtakbo. Ang iba ay sumisigaw at tumitili. May iba naman na ginamit pa ang bag at libro bilang payong.
My room was damp, from the rain.
I hugged myself and rubbed my arm as if heating myself up. Coldness started to prick my body.
Napailing nalang ako, tumayo ako mula sa aking upuan at lumapit sa bintana. Ilang segundo lang ay wala na akong nakikitang estudyante sa paligid. Medyo foggy na ang paligid dahil sa ulan, na parang may kung anong mist sa paligid.
Nanatili akong nakatayo sa harap ng bintana, nakatitig sa kawalan habang patuloy parin sa pagbagsak ang ulan. Kung kaya ko lang tumakas mula sa bintanang ito, gagawin ko. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya. Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot dahil sa katotohanang iyon.
Ang black dimension, sana magamit niya ito ng tama. Siya nalang ang pag-asa namin.
Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang pagbukas nito. Hindi ko napigilang ngumiti nang makilala ko siya, hindi na siya nag-atubiling pumasok.
Kahit pa nakasuot siya ng cloak ay nakilala ko parin siya.
May dala siyang itim na payong na ngayon ay basa, patibay na sumulong siya sa ulan. Nag-aalala ko siyang sinalubong.
"Sabine, ba't ka nagpunta rito?" she just gave me a half-smile. Nilagay niya ang sling bag na dala sa mesa. Agad niyang binuksan ang zipper nito at nilabas ang mga pagkain.
"I brought you something," she said, ignoring my question.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, pa'no kung may nakakita sa'yo? Alam mong delikado!" napatingin pa ako sa pinto para siguraduhing nakasarado ito.
Again, she ignored me. Instead umupo siya sa paanan ng higaan ko at seryoso akong tinignan sa mata.
"Kailangan mo nang umalis dito, baka may makahuli pa sa'yo," utos ko sa kanya sa malamig na tono.
"We need to talk, may kailangan kang malaman."
I paused and let out a deep sigh.
"Sige."
Freya's Point of View
Dear Friend,
I still can't believe what happened just hours ago. Ang daming nangyari sa second day ko rito, can you believe it? SECOND DAY! Sinamahan kami ni Phoenix papunta kay Aling Nemesis. Naiwan niya kami sa daan at hinabol kami ng mga PANGET na nilalang.
Akala ko katapusan ko na, na mamatay na ako sa kamay ng mga PANGET na 'yon. Pero salamat naman at dumating si Phoenix, yey! Ang saya! (can you feel the sarcasm there? tsk!) Pagkatapos no'n ay narating namin ang bayan ng Eriobaske, and here we are again with the wards. Hinarangan na naman ako nito, pero ang ipinagtataka ko lang ay nung hinawakan ako ni Phoenix, nakalagpas ako sa wards. Sa mga oras na 'yon feeling ko may kung anong enerhiya ang dumaan sa katawan ko. That's another thing boggling my mind.
Pumasok kami sa bahay ni Aling Nemesis, nakumpirma namin na si Ada nga ang tinutukoy nilang huling miyembro. I still don't get it, sabi ni Aling Nemesis Guardian daw si Ada. Binanggit din ni Mitchie ang tungkol sa pagiging Guardian ni Ada sa Magma Bearer.
At ako, hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na hindi ako mortal, na isa akong peritians gaya nila. Pero kung peritians nga ako, bakit hindi ako makadaan sa wards? Bakit parang hinaharangan ako nito? And worst? Nakikita ko ang itsura ng wards na ito, parang makapal na transparent na salamin. Nakikita ko ito except kay Ada.
At may special ability raw ako, hindi ko alam kung ano ito pero nakita ito ni Ada. At sabi rin ni aling Nemesis ay may nagising daw siyang kapangyarihan ko. At sabi niya rin pag -aralan ko raw ang black dimension. Ang weird lang ng procedure para malaman ang ability na meron ako, napunta ako sa isang Maze. At nakita ko si Noodle doon.
And one last thing, nakapatay ako. Si Aling Nemesis---
![](https://img.wattpad.com/cover/113045737-288-k185716.jpg)
BINABASA MO ANG
Peritia Academy
FantasyAbilities. Beasts. A game. A mind-boggling mystery. An extraordinary twist. Get ready to be enthralled. Fantasy/Mystery-Thriller/Action/Comedy Date Started: June 25, 2017 Date Completed: ___