Chapter 44: Uno

1.3K 78 8
                                    

Chapter 44: Uno

Freya’s Point of View

“Freya,…”

“Freya,…”

Nagising ako dahil sa mahinang pagyugyog sa akin. My sight was blurry as I opened my eyes.

Mukha ni Phoenix ang sumalubong sa akin. Nakakunot ang kanyang noo ngunit may bahid parin ng pag-aalala rito. Natagpuan ko ang sarili ko sa lupa.

“Ayos ka lang?” tanong niya at tinulungan akong bumangon. My mind was still blank from what happened. Sunod kong nalaman, nakaupo na ako sa malaking ugat at nakasandal sa puno.

“Anong nangyari?” I squinted as I looked around, my sight is slowly adjusting.

Napasapo ako sa aking ulo, bakas sa mukha ni Phoenix ang pagkalito. May nakita rin akong sugat sa bandang noo niya.

“Hindi mo ba natatandaan ang nangyari?” kalmadong tanong ni Phoenix na ngayon ay nakatayo sa harapan ko.

Kunot-noo ko siyang tinignan. Tinignan ko ang paligid at doon lang naging klaro sa akin ang lahat.

Ang lahat ng puno at halaman ay nawasak. Tila nilipad ang mga ito ng kung anong pwersa. Sa paligid namin ni Phoenix ay may nabuong bilog na puro lupa nalang, nawala ang mga halaman at damo na tila dinaanan nang malakas na bagyo.

Karamihan sa mga puno ay nawala na tila hinugot ng higante at tinapon sa malayo. Ang ibang puno naman ay naputol ang katawan.

“Do you remember what happened here?” tanong ni Phoenix habang tinitignan ang paligid. Hindi ko siya masagot.

Tinignan ko ang lupa, may parte na umitim na tila sinunog ito. Maliwanag na rin dahil nawala na ang mga punong kahoy at malaya nang nakakapasok ang liwanag ng buwan.

Unti-unting bumalik sa akin ang nangyari. Hinawakan ko lang ang maliit na bote. Ibibigay ko na sana ito kay Phoenix nang may naramdaman akong enerhiya na pumasok sa katawan ko. At may narinig akong pagsabog.

“Come here,” hinawakan ni Phoenix ang kanang braso ko at tinulungan akong tumayo. “We shouldn’t be here.” Tumingin si Phoenix sa paligid saka kami naglakad.

Habang naglalakad ay tahimik lang kami. Seryoso ang mukha ni Phoenix na tila malalim ang iniisip.

Tumingin saglit si Phoenix sakin at nahuli akong nakatingin sa kanya. Umiwas nalang ako ng tingin. Ano bang iniisip niya? Hindi ko gusto itong aura na ito.

“Freya,” his voice was deep. Napatingin ako sa kanya. “Walang dapat makaalam sa nangyari.”

“Bakit naman? Tsaka bakit naman kita susun,…”

“Huwag nang matigas ang ulo!” napatigil ako dahil medyo napasigaw siya. Ngayon ko lang siya nakita na parang galit at nag-aalala. Nagpatuloy ulit siya sa paglalakad at ako ay nakasunod lang sa likod niya.

“You see you’re a threat now,” kumunot ang aking noo. “Pag nalaman nila ‘to baka ano pang gawin nila sa’yo. Konti lang ang nakakaalam ng sekreto ng Black---“ napatigil si Phoenix.

“Black? Black ano?” tanong ko. Naglakad ako nang mabilis para makasabay sa kanya at tinignan siya. “Black dimension ba? Ha Phoenix?” napatigil si Phoenix sa paglalakad kaya napahinto rin ako.

Akala ko sasagutin niya na ako. Tinignan niya ako sa mata, ilang segundo siya sa ganoong posisyon. Seryoso ang kanyang mukha.

“Freya,” hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Napalunok ako sa pagdampi ang palad niya sa braso ko. “Ikaw. Ikaw nga matagal ko nang hinahanap.”

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon