Chapter 32: Not Even a Scratch
Freya's Point of View
Kanina ko pa gustong itanong kay Phoenix kung saan kami pupunta pero pinili kong manahimik na lang. Malamang tutulungan niya na akong makalabas sa gubat na ito.
Nakakainis lang isipin na kailangan ko pang masugatan ng ganito para tulungan niya ako.
Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad, nakahawak ako sa aking kanang braso para kahit papaano ay mapigilan ko ang pag-agos ng dugo mula rito. Nasa sa kaliwa ko lang si Phoenix, nakapamulsa habang diretso lang ang tingin sa daan.
Napansin ko napatingin siya sa akin--- Correction! Napatingin siya sa mismong sugat ko at ibinalik lang din agad ang tingin sa daan.
"Ehem," rinig kong pagtikhim ni Phoenix na siyang bumasag sa katahimikan na namumuo sa paligid. "Konting tiis lang, malapit na tayo."
Tumango ako dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya. Tinignan ko ulit ang sugat ko sa braso, okay lang ako. Hindi pa naman ako mamamatay. Ngunit hindi ko parin maitatanggi na malalim ang sugat na natamo ko. Halos marinig at maramdaman ko na ang pagpintig nito.
Pero isa rin sa ipinagtataka ko ay kung bakit hindi pa ako nakakaramdam ng panghihina. Hindi naman sa gusto kong manghina. But logically speaking, I should start feeling dizzy now due to blood lost.
Ilang lakad ang aming ginawa hanggang sa nakalabas na nga kami sa madilim na gubat. Sumalubong sa amin ang nakakasilaw na liwanag ng araw kaya ginamit ko pa ang braso ko para takpan ang aking mata mula sa liwanag na ito.
Hindi lang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa amin, sinalubong din kami ng mga nakakaintrigang tingin ng mga tao. At hindi rin kami nakaligtas sa kanilang mga bulungan.
"Sino siya?"
"Bakit siya duguan?"
"May nangyari ba sa kanya?"
"Pero bakit magkasama silang dalawa ni Phoenix?"
"Baka may nangyari nga sa loob ng gubat."
"Pero mukhang okay naman si Phoenix."
"Pero 'yong babae, mukhang ang daming dugo na ang nawala sa kanya."
Napairap na lang ako dahil sa mga narinig. Pakialam ba nila kung duguan ako? Kaya ba nilang gamutin ako?
Maraming estudyante sa paligid, 'yong iba hindi naman nakapansin. Pero ang mga estudyanteng nakita kami ay wala nang ginawa kundi ang pagmasdan kami maging sa aming paglakad.
Tumigil ako sa paglalakad.
"Dito na lang ako," huminto siya at tinignan ako. "S-salamat, Phoe---- Basta salamat." Sabi ko na lang, bakit ba nahihirapan akong tawagin siya sa pangalan niya ngayon?
Tumalikod ako at maglalakad na sana nang bigla siyang magsalita.
"Sa'n ka pupunta?" simpleng tanong niya sa malalim na boses.
"Wala ka na do'n," diretso kong sagot sa kanya. Actually, hindi ko pa talaga alam kung saan na ako pupunta ngayon.
"Hindi ka ba pupunta ng infirmary?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niyang iyon. Nakatingin siya sa sugat ko saka siya tumingin sa akin ng walang ekspresyon.
"Hindi na," tinignan ko ang sugat ko. "Kaya ko na 'to---"
"May lason ang mga Ravenclaws, probably kumakalat na ngayon ang lason sa loob ng katawan mo. Na posibleng ikamatay mo." Halos maistatwa ako sa kanyang sinabi. Alam kong masama ang ugali ng lalaking ito pero alam ko rin na nagsasabi siya ng totoo.
![](https://img.wattpad.com/cover/113045737-288-k185716.jpg)
BINABASA MO ANG
Peritia Academy
FantasyAbilities. Beasts. A game. A mind-boggling mystery. An extraordinary twist. Get ready to be enthralled. Fantasy/Mystery-Thriller/Action/Comedy Date Started: June 25, 2017 Date Completed: ___