Chapter 27: Passed Out
Freya's Point of View
I was torn between shouting at her face for trying to read my mind and letting her do what she wants because of my curiosity. What does she mean about me blocking her? Na ito nga ang isa sa special ability ko? Taas noo ko siyang tinignan sa mata.
“Hinahamon kita, kung kaya mo ngang basahin ang nasa utak ko,” tinaasan ko siya ng kilay. Mas naging seryoso naman siya sa sinabi ko. Nagtitigan kami mata sa mata.
Tahimik kaming dalawa, naririnig ko pa ang pagaspas ng hangin sa paligid. Kumurap si Mitchie. May kakaiba akong naramdaman sa katawan ko. Tila may enerhiya o pwersa ang pumasok sa aking katawan.
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Does this mean na nababasa na niya ang utak ko? I saw beads of sweat in her forehead. Her fingers twitched.
“Sabihin mo sa'kin kung anong nababasa mo,” I commanded. Medyo kinabahan ako sa maari niyang isagot. Tumataas ang nararamdaman kong tension na gawa ng enerhiyang pumasok kanina. Siguro ay ito ang pakiramdam kapag may nagbabasa sa utak mo.
Hindi ako sinagot ni Mitchie. Seryoso parin siyang nakatingin sa'kin. Napansin kong bumibilis ang paghinga niya. Sa bawat minutong dumaan ay lalo lang akong naiinis sa kanya.
“Look, kung kaya mo nga talagang bumasa dapat kanina pa,” I said, growing more impatient.
“H-hindi ko m-maintindihan,” she stammered. Napahawak siya sa kanyang ulo.
Nakaramdam ako ng goosebumps. Sa isang kurap ko lang ay parang hinigop ang lahat ng kakaibang enerhiya na naramdaman ko kanina. Wala ng tensyon, wala na akong nararamdamang kakaiba.
Nangunot ang kanyang noo, at napaawang ang kanyang bibig. Bahagyang napapikit si Mitchie at napaatras na nakahawak parin sa ulo. Naghanap siya ng masasandalan. Halos napasigaw ako noong bumagsak na lang si Mitchie sa lupa.
Tumakbo ako patungo sa kanya at lumuhod. Tinapik ko ang pisngi niya. I gasped as blood trickled down from the inside of her nose.
“Mitchie,” I called out, hoping to be heard. Pero tuluyan na siyang nawalan ng malay. Ano bang problema ng babaeng 'to? Bigla-bigla nalang nahihimatay.
“Tulong! Tulungan n'yo ako rito!” sigaw ko. I felt stupid for shouting for help, no one can help me now. This is a restricted area.
Tinignan ko si Mitchie. Wala paring malay ito. Ayoko sa babaeng ito kahit magkasama kami sa iisang kwarto at kahit ang bait nito sa'kin, pero hindi naman pwedeng iwan ko nalang siya rito.
“Babalikan kita,” sabi ko at tumayo. Tumingin ako sa paligid saka ako tumakbo.
I took hold of the strap of my bag as I run as fast as I can. Naiinis ako sa maraming bagay. Naiinis ako sa kahabaan ng daan. Naiinis ako sa lupang tinatakbuhan ko ngayon. Naiinis ako sa mga batong nadadaanan ko. Sa mga sanga ng puno. Sa mga malalaking dahon. Sa mga punong kahoy. At sa sarili ko.
Nabuhayan ako noong may nakita akong tao na nakatayo ilang distansya mula sa akin.
“Tulong!’’ sigaw ko. Hinihingal na ako sa mga oras na ito. “May nahimatay!” Nakapamulsa ang lalake, at nakatalikod ito sa akin. There's something familiar in his broad shoulder.
Malayo pa ako mula sa kanya noong lumingon siya sa gawi ko. Huminto ako sa pagtakbo noong nakilala ko siya. Mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko sa oras na nakita ko ang kanyang mukha.
Walang ekspresyon niya akong tinignan. Nasa loob ng kanyang bulsa ang dalawang kamay. Naka white v-neck shirt siya, hindi ko maiwasang titigan ang kwintas niyang suot. I felt intimidated in front of him.
![](https://img.wattpad.com/cover/113045737-288-k185716.jpg)
BINABASA MO ANG
Peritia Academy
FantasyAbilities. Beasts. A game. A mind-boggling mystery. An extraordinary twist. Get ready to be enthralled. Fantasy/Mystery-Thriller/Action/Comedy Date Started: June 25, 2017 Date Completed: ___