Chapter 19: Science in Motion
Freya's Point of View
Natahimik ako sa sinabi ni Sabine. Maging si Ada man ay hindi agad nakaimik. Her expression told me that her words were caught by her throat. She stuttered in disbelief.
"Pwede bang dito nalang ako?" tinignan niya ako saglit. "Kasama si Freya?"
Sabine pursed her lips. "I'm sorry Ada but that won't do. Naiintindihan kita pero bilang isang guardian ay kailangan mong dumaan sa training," tumingin saglit sa'kin si Sabine. "Kaya kailangan mong manatili sa mansion kasama ang tulad mong mga guardians. Diba Cliff?"
Tila nagulat pa si Cliff sa pagtawag sa kanya ni Sab. "Oo, Ada. Tulad mo, isa rin akong Guardian. Dumaan ako sa training at hanggang ngayon nagtetraining parin ako kasama ang iba pang guardians. Tsaka, masaya naman sa mansion, makikilala mo pa ang mga bearers."
Napatingin ulit sa'kin si Ada na tila humihingi ng tulong.
"Not to mention na kilala mo na kami," dagdag pa ni Sabine pero parang hindi parin convinced si Ada na sumama.
"Pero,.. pwede naman sigurong dito lang ako manatili sa room ni Mitchie. Gagawin ko naman ang training bilang isang guardian eh, basta hayaan n'yo lang ako rito."
Nagkatinginan si Sab at Cliff. Tinignan ko si Ada na ngayon ay nakayuko, mahigpit na ang pagkakahawak niya sa mga dala.
I found myself stretching my arm and holding Ada's wrist. "Sige na, sumama ka na sa kanila." Those words felt heavy as it slipped out of my tongue. A flicker of change passed through her expression. Her eyes in disbelief.
"Masaya 'ko dahil nagkaro'n ako ng kaibigang tulad mo, Ada. Isa kang guardian at alam mo ang makakabuti sa'yo," bumibigat ang puso ko sa mga salitang binibitawan ko. Napalunok na lamang ako. Crap!
"This is not yet our goodbye, bibisitahin mo naman ako diba?"
Nag-iwas ako ng tingin dahil kitang-kita ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ni Ada.
Bakit ba naiiyak ako sa tuwing may nakikita akong umiiyak?
"Sab, Cliff," marahang ngumiti si Sab. "Hatid n'yo na si Ada."
Nakayuko lang si Ada, hindi nakaimik. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at pumasok na ako nang diretso sa kwarto. Sinara ko agad ang pinto saka ako sumandal dito.
"Tara na Ada, magkikita pa naman kayo," si Sabine.
Napalunok ako at pumikit. Narinig ko ang yapak ng kanilang paa paalis.
Why am I feeling this? Ilang araw pa kaming magkakilala ni Ada. Lagi ko siyang sinusungitan pero bakit ganito? Pakiramdam ko nawalan ako ng kapatid.
What a drama queen!
As I stayed there, my mind loitering around. I realized something.
Time doesn't really matter, friendship does.
------
Binasa ko ulit ang papel kung saan nakasulat ang schedule ko saka tumingala sa five-storey building na dinaanan ko. First day ko ngayon sa Peritia Academy as a student at hinahanap ko na ngayon ang room ng first class ko.
Sa kakatingala ko ay hindi na ako makatingin sa dinadaanan ko. Napasigaw ako nang biglang may bumangga sa'kin.
"Aray!" sigaw ko dahil sa pagbagsak ng pwet ko. Napangiwi pa ako sa sakit.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Bulag ka ba?!" masungit na sigaw ko sa lalaking bumangga sa'kin kahit ako naman talaga ang hindi tumitingin sa daan.
![](https://img.wattpad.com/cover/113045737-288-k185716.jpg)
BINABASA MO ANG
Peritia Academy
FantasyAbilities. Beasts. A game. A mind-boggling mystery. An extraordinary twist. Get ready to be enthralled. Fantasy/Mystery-Thriller/Action/Comedy Date Started: June 25, 2017 Date Completed: ___