Chapter 11: Dear Friend

4.1K 182 18
                                    

Chapter 11: Dear Friend

Freya's Point of View


"Dito na muna kayo pansamantala," huminto si Cliff sa tapat ng kulay puting pinto. Dinala niya kasi kami ni Ada sa isang building na may mga kwarto. Para na nga itong hotel.

Kumatok si Cliff sa pinto, maya-maya lang ay may nagbukas nito. Bumungad sa amin ang babaing nakasalamin, round ang spectacles ng suot niyang salamin. Nakatali ang kulot niyang buhok na siyang dahilan para maexpose ang oblong shape niyang mukha. Nagmistulang noodles na rin ang buhok niya sa pagiging kulot nito.

"Hi Clifford!" kumislap ang mga mata ng babae nang makita niya si Clifford, tila nasa heaven siya sa mga oras na 'to.

"Hello," tugon ni Cliff at nag-half smile siya. Lalo lang kumislap ang mata ng babae, nakakasilaw na nga ang mata niya eh. Napansin kong umangat pa ang kanang paa ng babae at nagpacute ito.

"Tuloy kayo!" masigla niyang alok. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ada. Nagdalawang isip pa kami bago pumasok.

Hindi pumasok si Cliff. "Dito nalang ako, hinatid ko lang dito si Freya tsaka si Ada."

"Pero--" reklamo ng babae.

"Sige, alis na 'ko," tumango na lamang kaming dalawa ni Ada. Klaro naman sa mukha ng babae ang disappointment noong sinara niya ang pinto.

"Hindi pa pala ako nagpapakilala, ako si Mitchie. Nice meeting you!" loud na pagpapakilala niya. Ilang segundo pa kaming nagsama pero ayaw ko na sa kanya. Masisi niyo ba 'ko? Sadyang ayaw ko sa mga maiingay.

Nagpakilala naman kaming dalawa ni Ada. "Great! Now may kasama na ako dito. Ang boring lang kasi talaga dahil mag-isa lang ako rito."

May dalawang higaan, naglakad si Mitchie at pumwesto sa gitna. "So yeah, welcome to my crib. And let the beating commence!" baliw ang isang 'to.

Nagkatinginan kami ni Ada, at isa lang ang nakamarka sa mga mata namin. That ano-daw look.

Umupo si Mitchie sa paanan ng higaan. "Ito ang bed ko, at 'yan naman ang sa inyong dalawa," tinuro niya ang isa pang bed.

"Kaninang umaga ko lang hinanda 'yang higaan niyo. May nagsabi kasi sa'kin na may dalawang pebbles daw sa school na 'to at dito sa kwarto ko tutuloy." Natigilan siya.

"I'm sorry, pebble means newbie. Pebble kasi ang tawag namin sa mga newbie sa school na 'to," dagdag niya pa kaya tumango na rin kami ni Ada.

Tumingin ako sa kabuuan ng kwarto. Violet ang motif nito. May kulay violet na kurtina sa nakabukas na bintana. Lumilipad-lipad pa ito dahil sa hangin. Color violet din ang headboard ng dalawang bed. Maayos din ang pagkakapuwesto ng dalawang bedside table.

May bookshelves din sa kaliwang bahagi ng kwarto. May nakita rin akong pinto na maaring CR. Sa kabuuan, neat itong si Mitchie. Okay na rin.

"Sa'n n'yo gustong magdinner? Magsisix na rin kasi ng gabi," tanong ni Mitchie. Sinabi kong sa cafeteria nalang.

Wala na sa tabi ko si Ada, napansin kong patingin-tingin na siya sa mga libro sa mini bookshelf. Lumapit ako dito.

May series siya ng Percy Jackson, Heroes of Olympus, Harry Potter, Divergent, Hunger Games at Maze runner. May complete pack din siya ng Chronicles of Narnia.

Kinuha ko ang librong nakahuli ng atensyon ko.

'The Fault in our Stars.'

Sinauli ko na agad ang libro. Nakita kong may hawak na manga si Ada. Humarap siya kay Mitchie na nakangiti.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon