Chapter 17: Telepathic

3.7K 168 7
                                    

Chapter 17: Telepathic

Freya's Point of View

"A-Aling Nemesis," hinawakan ni Ada ang kanang braso ng matanda. Kagaya ko, nakarehistro sa mga mata niya ang pangamba.

"Anong nangyari sa kanya?" nandidilat na matang tanong ko. Saglit lang akong tinignan ni Ada at tila nagdalawang isip pang sagutin ako.

Lumuhod ako sa harap ni Aling Nemesis. Her breathing is heavy, laborious and slow. Tila mabigat na ang talukap ng kanyang mga mata, pero pinipilit niya paring magmulat.

"F-Freya," she called in a garbled voice. Lalo lang akong nanlumo dahil sa kanyang boses. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay, tinignan ko ito at hindi nag-atubiling hawakan.

"...makinig ka." Natigil siya sa pagsasalita, umubo siya at nahihirapan nang huminga. Tumalsik pa ang dugo sa sahig mula sa kanyang bibig noong umubo siya. Pinisil ko ang kanyang kamay.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, sa pangyayaring 'to. Nagpapasalamat ako a-at nakilala kita, Freya. Ang Labyrinth.  Maliit na parte ng kapangyarihan mo lang ang nagising ko. Ang black dimension,  pag-aralan mong gamitin ito," pinisil niya ang kamay ko at tinitigan ako sa mata. Halos maluha na ako sa kalagayan niya.

"A-ano ba kasing nangyari? At anong black dimension? " hindi parin nila ako sinagot.

"S-si Luke,.. si Luke at ang bata. H-hanapin mo sila."

"Sinong Luke?" napatingin ako kay Ada. "A-at sinong bata?" bilang nalang ang bawat hiningang binibitawan ni Aling Nemesis.

Ngumiti siya nang mapait. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, Freya."

"Ang Orb."

With those last two words ay marahan siyang napapikit. Nandilat ang mata ko at niyugyog siya.

"A-Aling Nemesis! Anong Orb?"

Huli na ang lahat, unti-unting napalitan ang kulay ng balat niya, namumutla. Nakapikit na siya at tumigil na ang pagtibok ng kanyang puso.

"Ano ba talagang nangyari?" naiiyak kong tanong kay Ada. Pero nagdadalawang isip parin siyang sagutin ako. "Please, Ada. Ako ba?  Kasalanan ko ba?  N-napatay ko ba siya?"

Yumuko si Ada, ayaw niyang magtama ang mata naming dalawa.

Pakiramdam ko tumigil ang pagpatak ng oras, para akong tinamaan ng kidlat sa narinig. Ibinaling ko ang tingin ko kay Aling Nemesis.

"Ano ba,  bakit ang tagal n'yo?" napatingin kami ni Ada sa taong nagbukas ng pinto. Magkasalubong ang kilay niya.

Ngunit nagbago ang ekspresyon niya nang makita niya si Aling Nemesis. "Shit!" bulalas niya at agad na lumuhod at pinulsuhan si Aling Nemesis. "What happened?!"

Hindi kami makasagot ni Ada na nagpainis lang lalo kay Phoenix. Napatingin siya sa paligid na parang takot na may nagmamasid sa amin.

"We need to get going," his voice is deep and husky. "Hindi tayo pwedeng magtagal dito."

Tumayo si Phoenix at inilabas mula sa kanyang bulsa ang isang inch na namang bote. 

"Iiwan natin siya?" gulat na tanong ko. Hindi ko kayang iwan si Aling Nemesis.

Hinipan ni Phoenix ang bibig no hawak niyang bote.

Napasinghap si Ada at napatakip ng bibig habang tinuturo si Aling Nemesis. I was horror-struck when I saw it. Si Aling Nemesis, unti-unting nagtransform sa pagiging abo ang bawat panig ng kanyang katawan.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon