Chapter 20: Parcel of Aqua

3.5K 171 10
                                    

Chapter 20: Parcel of Aqua

Freya's Point of View

Parami nang parami ang mga estudyante na naglabasan sa kani-kanilang classroom. Sumunod na lamang ako sa kung saan man sila patutungo. I squeezed my way through the current of crowds.

It was almost suffocating, medyo masikip sa dinadaanan naming hallway. Maingay rin dahil sa mga usap-usapan ng mga estudyante. Bukambibig nila ang mga salitang Parcel, The Festive, The Reigning Cup at 'yong about sa game.

Lumabas kami ng building at nahanap ang sarili sa harap ng Administration Building. Sa tapat nito ay may nakatayong board kung saan nagsisiksikan ang mga estudyante habang nakatingala pa ito.

"Excuse me!" sigaw ko at nakipagsiksikan.

"Excuse po, padaan lang." Noong medyo nakalapit na ako, nakita ko ang anim na label sa board, arranged horizontally.

Parcel of Magma

Parcel of Crystal

Parcel of Weather

Parcel of Aqua

Parcel of Earth

Parcel of Wind

Sa bawat label ay may nakadikit na mga papel sa ibaba nito. Doon nakafocus ang mata ng mga estudyante na tila may hinahanap.

"Yes! Best pareho tayo ng Parcel!" masayang sigaw ng babae at nag-apir sa kasama.

"Omaygaaaash! Parcel of Magma ako! Magkateam tayo!" sigaw na naman ng isang estudyante.

Team?

Hinintay ko pa na umalis ang ibang estudyante para hindi na masikip. Lumapit ako at tinignan ang papel na nakalabel na Parcel of Magma.

Nalaman kong list of names ang nasa papel. I skimmed through names at hindi ko naman nakita ang pangalan ko. Ano naman kayang meron?

I don't know but I felt the need to look for my name. Lumipat ako sa label na Parcel of Crystal at sinubukang hanapin ang pangalan ko pero hindi ko ito nakita. May ibang estudyante na naman ang dumating at hinanap ang kani-kanilang pangalan.

Lumipat na naman ako sa label na Parcel of Weather, pero gaya ng naunang dalawang label ay hindi ko parin nakita ang pangalan ko.

Baka naman assuming lang talaga ako na nandito ang pangalan ko?

Sinubukan ko ang Parcel of Wind at Parcel of Earth, hindi ko parin nakita ang pangalan ko. Napapagod na 'ko dito. Pawisan na rin ako dahil sa init ng paligid.

Umasim ang mukha ko nang may naamoy akong hindi kanais-nais. Tinignan ko ang katabi ko sa kaliwa. Basa ang bandang underarm niya.

Hinarap ko siya kahit ayaw ko man. "Excuse me," saad ko pero para lang siyang bingi. Nakatuon parin kasi ang tingin niya sa board. Umirap ako.

"Excuse me lang," sabi ko ulit at tinapik siya para makuha ang atensyon niya. This time ay nagtataka niya akong tinignan.

"Bakit miss?" tanong ng lalake, pinipigilan ko ang hininga ko. Saglit akong tumingin sa bandang kili-kili niya, nagbabakasakali na makuha niya ang ibig kong sabihin.

Pero wala eh, ang slow ng lalakeng 'to.

"Itatanong ko lang sana kung may alaga ka dyan sa kili-kili mo, paki-check naman. Mukhang patay na 'yong isa eh."

Inamoy-amoy pa ng lalake ang kili-kili niyang basa. Tumalikod ako sa kanya.

"Wala naman ah, ang arte mo! 'Kala mo naman maganda," napaawang ako sa narinig.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon