Chapter 53: The Protector

749 43 29
                                    

Chapter 53: The Protector

Freya's Point of View

"Freya..."

Freya..."

"Ako 'to..."

The light was dim as I awoke. My head was groggy as I tried to look around. And then I realized na nasa ibang kwarto ako.

Unlike any movies, memories weren't rushing all at once back at me. My head was blank instead. As in blangko ang pag-iisip ko. Tila nakalutang lang ang utak ko sa oras na gumising ako.

Instead of panicking, I got up in a squat position, composed myself, and then tried to look around again. Nakasquat ako sa puting kama na may puting unan at puting kumot. The lamp positioned at the top of the bedside table was lit, giving out a yellowish glint to the room.

A perfectly structured black sofa set was positioned on the right side of the bed. May sariling kusina na may refrigerator at comfort room ang kwartong ito.

Sa mga nakikita ko sa oras na ito, masasabi kong malinis ang pagkatao ng nagmamay-ari ng kwartong ito dahil sa sobrang organized at neat ng paligid.

Napatingin ako sa bintana nang narealize ko na umuulan pala. The sound of the rain tapping to the glass sliding window is serene and strangely calming. I closed my eyes and focused my hearing to the sound of the rain.

Saka ko inisip kung paano ako napunta rito, sa kwartong ito. Ang huli kong naaalala ay nasa library ako. Katabi ko si Castro na natutulog. Pag labas ko ng library... pagkalabas ko ng library ay tila nasa isang abandonadong building ako...

Hanggang doon lang ang naalala ko. Pero napanaginipan ko si Trunks, hindi ko lang maalala ang detalye, all I know is that it was a nightmare. Masamang panaginip na gusto ko nalang ibaon sa limot.

Aalis na sana ako sa kama nang may narinig akong ingay mula sa comfort room. Nakaposisyon kasi ang kama sa harapan ng banyo, kaharap ko rin ngayon ang pinto ng banyo. Ingay ito ng umaagos na tubig mula sa gripo o shower o kung ano man iyon. Napagtanto kong hindi lang ako ang tao sa kwartong ito.

Hinanda ko ang aking sarili nang makita kong unti-unting bumukas ang pinto ng banyo. Tila bumagal ang pagpatak ng oras nang makita ko ang lalakeng nasa banyo. Wala siyang suot na pang-itaas at natatakpan lang ng tuwalya ang kanyang pang-ibaba.

Napaurong ako at napasandal sa headboard ng higaan nang makilala ko ang lalakeng ito. Basa ang kanyang buhok at basa rin ang kanyang katawan na tila bagong ligo. Nag-iwas ako ng tingin nang tinignan niya ako saglit.

"You're awake," he said shortly in his deep voice. Saka siya naglakad palapit sa'kin. Iniiwasan kong magtama ang mata naming dalawa pero ramdam kong nakatingin siya sa akin habang lumalapit. Rinig ko ang kabog ng dibdib ko habang siya ay lumalapit, hindi ko rin alam kung bakit kinakabahan ako nang ganito.

Takot na ba ako kay Phoenix? Takot na ba ako sa lalaking ito? Alam kong malakas siya at kinatatakutan ng lahat pero may kapangyarihan din naman ako para lumaban.

Tinignan ko siya, tumaas ang kilay ko nang sobrang lapit na niya sa'kin. Amoy ko na kung gaano kabango ang sabon na gamit niya mula sa pagligo. Nakatayo siya sa harapan ko.

Tinignan ko ang ibaba niya na natatakpan lang ng tuwalya, may bumubukol dito.

Subukan niya lang may gawing masama at tapos ang bespren niya.

Halos mabingi ako sa kabog ng dibdib ko. Bakit parang ang bagal naman ata ng oras ngayon?

Napansin kong may kinuha siya sa bedside table kaya napatingin ako rito. Napagtanto kong kulay gray na pajama lang pala ang kinuha niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon