"TURING"

8.6K 64 1
                                    


Mabuti pa ang aso,
inaalagaan ng amo.
Mabuti pa ang pusa,
pinapakain nang tama.
Mabuti pa ang hayop,
pinapahalagahan at kinakalinga.

Tao-
pinapatay nang walang kalaban-laban,
dinadampot at ikinukulong
sa selda ng inhustisya't karahasan,
ganoon na lang kabilis kumitil ng buhay,
'pagkat nagkasala ka raw nang tunay,
kahit hindi napatunayan,
walang ebidensya't basehan,
hawak ng nasa kapangyarihan
buhay mo't kalayaan.

Tao-
walang tirahan,
kinamkam ng mga gahaman,
lupang pinaghihirapan,
pinagyayaman ng dugo't pawis,
sa isang iglap
mawawala nang mabilis.

Tao-
hindi pinapahalagahan,
laganap na ang patayan
sa bayan ni Juan,
nasa pamahalaan ang 'yong kapalaran,
kung mamamatay ka nang madalian,
o mabubuhay sa takot sa 'yong lipunan.


Ganito na sa ating bayan,
masahol pa sa hayop
kung ituring yaong tao.
Karapatang pantao,
nilalapastangan ng mga namumuno,
silang dapat na nagpapahalaga,
nagmamahal at kumakalinga,
sa sambayanang biktima ng inhustisya
ngunit sila pa ang nangunguna,
sa pagyurak sa karapatan ng masa.

Kailan kaya darating ang panahon?
Tao na,
ang turing sa tao,
hindi pusa o aso.
Kapag tao na,
ang turing sa tao,
malaya na tayo,
malaya sa takot sa mga namumuno,
may karapatang pantao
kinikilala sa lipunan.
Kapag tao na,
ang turing sa tao,
hindi na pagpatay
ang sagot ng pamahalaan,
sa bawat kamalian ng sambayanan.

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon