Natatakot ako na mawala ka!
Natatakot ako na baka mapunta ka sa iba!Natatakot ako na makita kang may kasamang iba!
Natatakot ako na makitang ibang kamay na ang iyong hawak!Natatakot ako na magsawa ka!
Natatakot ako na baka ikaw ay kumalas na!
Natatakot ako na baka maging iba na ang dahilan ng pag ngiti mo!Natatakot ako na makitang ibang ulo na ang nakapatong sa mga balikat mo! At natatakot ako na dumating ang bukas na iba na ang mahal mo at hindi na ako!
Maraming bagay ang aking kinakatakutan!
Mga bagay na ayokong maranasan!Maraming bagay o dahilan para ako'y iyong bitawan!
Pero sana mahal patuloy kang lumaban!Na kahit mahirap panindigan!
Panindigan ang TAYO na sabay nating binuo!Ang TAYO na ayokong malunod!
Malunod sa mga paninira!
Paninira na paraan ng iba upang ang "TAYO" ay masira!Malakas man ang loob kong awayin ka!
Malakas man ang loob kong uratin ka!Malakas man ang loob kong asarin ka sa mga ex mo!
Nandon padin ang takot ko na baka ikaw ay mawala na!
Nandon padin ang takot ko na baka ikaw ay maghanap na ng iba!Pero mas natatakot ako na baka iba na ang sabihan mo ng mga katagang "MAHAL KITA!"
Pero mahal ko! Nakakaramdam man ako ng takot!
Nandon parin ang tapang kong harapin ang bukas na kasama ka!Dahil mayroon akong salita na aking pinanghahawakan!
Nang sabhin mo ang mga katagang "MAHAL DI KITA IIWAN"Mahirap mang paniwalaan!
Ngunit patuloy kong panghahawakan!
At patuloy kong papaniwalaan!Mahal dumating man ang mga bagay na kinakatakutan ko!
Magpapasalamat padin ako na nagkaroon ng "Ikaw at Ako"Ikaw at ako na di ko pagsisisihan!
Ikaw at ako na patuloy kong paninindigan!
Ikaw at ako na naging masaya sa bawat minuto at oras na magkasama!Kaya't ayoko ng matapos ang TAYO!
Ang TAYO na masaya!
Ang TAYO na mahal ang isa't isa!
Kaya bahala na si TAKOT!
Basta alam kong mahal mo ako!
At mahal kita! Kaya kong talikuran ang mga salitang..."NATATAKOT AKO!"
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY - Tagalog
Poetry❝Mga letrang pinagsama, Mga salitang nabuo, Pag ito'y ipinagsama? Makakabuo ng pangungusap na sa puso mo'y tatatak❞ -Peachy_xxie