Hi bespren, naaalala mo pa ba ako?
Akong kaibigan mo na naging sandigan sa lahat?
Akong kaibigan mo na hindi ka sinukuan kahit abnormal ka?
Akong kaibigan mo na ginagawa ang lahat mapasaya ka lang?
Akong kaibigan mo na karamay mo sa mga problema?
At akong kaibigan mo na iniwan mo NANG DAHIL SA KANYA?
Masaya tayo noon naaalala mo pa ba?
Masaya tayo noong wala pa sya
Pero mapaglaro talaga ang tadhana
Nakilala mo sya at hinangaan
Sabi mo ikaw at siya'y aking suportahan
At dahil kaibigan kita ginawa ko yon mapasaya ka lang.
Masaya ako hangga't masaya ka
Kasi turing ko sayo higit sa kaibigan kundi bilang isang kapatid
Pero bespren may nabalitaan ako
Yung nagpapatibok ng puso mo may ibang gusto
Nais kong ipabatid sayo ang nalaman ko
Ngunit ayaw kong sirain ang sayang dulot nya sayo
Pero masisisi mo ba ako?
Kung gusto kong paiyakin ka sa katotohanan kaysa pasayahin ka sa kasinungalingan? Masisisi mo ba ako?
Sinabi ko sayo kahit alam kong masasaktan ka
Pero ang sabi mo sa akin, isa akong kaibigang walang kwenta?
Masama bang ilayo kita sa sakit na dulot niya?
Sapagkat kita ko na konting tulak na lang
Hulog na hulog ka na sa kanya
Ayokong magmahal ka ng maling tao
Ayokong masaktan ka ng ibang tao
Masaktan na ako wag lang ang kaibigan ko.
Hindi moko pinaniwalaan at patuloy kang umasa sa kanya,
Taimtim akong nagdasal na sana masuklian niya ang pagmamahal mo.
Sabi mo sa akin alam mo ang hangganan mo
Pinabayaan kita sapagkat yan ang gusto mo
Pero isang araw hindi ko na kinaya ang panloloko niya sayo.
Gumawa ako ng paraan para mailayo kita sa kanya
Pero imbis na pasalamatan moko.
Itinaboy mo ako.
Itinaboy mo ang totoong nagmamahal sayo
Itinaboy mo ang taong walang inisip kundi ang kabutihan mo.
At itinaboy mo ang kaibigan mong tunay na nagmamalasakit sayo
Masisisi mo ba akong kaibigan mo na hangad ay wag kang masaktan?
Nagmakaawa ako sayo natatandaan mo ba?
Nagmakaawa ako na wag mo kong itaboy
Nagmakaawa ako na wag mong sayangin ang pinagsamahan natin.
Pero kahit anong gawin ko, sya ang pinili mo
Siya na may girlfriend nang iba
Siya na pinapaasa ka lang.
Siya na walang ibang ginawa kundi ang lokohin ka
Pinagpalit mo ang ilang taon nating samahan para sa isang taong ilang araw mo lang nakilala Hiling ko na sana mahalin ka nya gaya ng pagmamahal mo sa kanya.
Pero kaibigan, kung kailangan mo nang matatakbuhan sa oras na malaman mo ang katotohanan Nandito lang ako.
Nandito lang ang kaibigan mong iyong iniwanan
NANG DAHIL SA KANYA
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY - Tagalog
Poetry❝Mga letrang pinagsama, Mga salitang nabuo, Pag ito'y ipinagsama? Makakabuo ng pangungusap na sa puso mo'y tatatak❞ -Peachy_xxie
