"PANGARAP KONG TAYO"

2.5K 3 0
                                    

Tayo ?

tila bang pangarap nalang na mahirap makamit.


Para bang mas madali pang makuha yung diploma kahit mapuyat at kulang sa idlip.



Inaral at pinagsumikapan kong alamin ang mga bagay na gusto mo, upang sa aking pag amin ay handa na ako.



Kaso wala e, kahit anong gawin kong pagsusumikap ay bagsak parin ako.



Ang pangalan mo ay parang musika na laging naglalaro sa puso't isip ko, at sa tuwing ito'y naririnig ng aking mga tenga ay sumasaya ang mundo ko.



yung "TAYO" na pangarap ko, sa totoo lang walang ganon dahil ang meron lang ay IKAW at AKO.



IKAW na mukhang masaya sa mga bagay na ginagawa mo, at AKO na Palihim na sumusulyap sayo.



Ano nga bang meron sayo? bakit ako nagkakaganto? Simpleng galaw mo ako ay napapahinto.



Mga ngiti mong napakasaya, ang siyang tumutunaw saaking talaga.
At sa pagpatak ng luha mula sa iyong mata, tila ba parang gusto kong sumigaw at magwala.




pero wala akong magawa, dahil sino ba kasi ako ? ni hindi mo nga napapansin na may lihim na pagtingin ako sayo.



Kasi ang alam mo lang e kaibigan mo AKO, pero ako naman tong laging nagdarasal na sana IKAW at AKO ay maging TAYO.




Ipinapangako ko, kapag dumating na ang araw na magkatotoo ang salitang TAYO, hinding hindi parin ako magbabago.




Yung tipong gagawa ng ikakasaya mo.
Gagawa ng ikatutuwa mo.
Hindi hahayaang sumama yung loob mo.
at gagawin ang lahat upang hindi masira yung tiwala at pagmamahal mo.




Pero hindi ko muna pangungunahan ang mga mangyayari, dahil ikaw at ako ay hindi pa maaari.



kasi ikaw ngayon ay takot pang umibig muli dahil ikaw ay nasaktan at naloko, pero ako eto kaibingang laging nasa likod mo.




Sasamahan at pasasayahin ka hanggang sa ikay makalimot. dahil ikaw ay sa mundo kong araw araw nalang umiikot.



Sana maging masaya at maligaya ka sa piling ko, at sana matupad nadin ang "PANGARAP kong TAYO"

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon