Di ko alam kung bakit nasasaktan ako,
Sa tuwing sinasabihan mo ko ng "mahal kita bilang kaibigan ko."Ako'y tumatawa nalang at,
At binalewala lahat ng iyong pangbobola't panlilinlang.
Kahit na akoy kuhang kuha at sayo'y In love na.Ilang ulit kong tinuon sa ibang bagay ang atensyon ko,
Pero sayo parin ang bagsak ko.Araw araw mo kong kinukulit kase may gusto ka sa katabi kong sobrang marikit.
Inilakad at ako ang naging tulay mo para sa kanya.
Ngunit ako ba'y inaalala mo rin ba?Inaalala mo rin ba na kaibigan ako at hindi tulay para sa babaeng napupusuan mo?
Inaalala mo rin kaya kung nasasaktan ako tuwing nakikitang masaya ka sa piling ng iba?Sobrang saya ko ng sinabihan mo ko ng "Mahal kita".
Pero dinugtungan mo pa ng
"Salamat bess at kami na".Ang tanging nasagot ko lang sa sinabi mo ay,
isang mapait na ngiti
At isang "Congrats bess, masaya ako para sa inyo."Masaya ako kahit sobrang sakit na,
Masaya ako kahit parang ako'y sinasaksak na,
Masaya ako kahit alam kong pag aari ka na ng iba,
At higit sa lahat masaya ako kase Masaya ka.Alam mo?
Naiinggit ako sayo?
Kase kasama mo ang taong nagpapasaya sayo?
Ang taong kukumpleto sa araw mo?Basta Bess pag dumating ang araw na makita mo na ang taong magpapasaya at kukumpleto sa buhay mo?
Sabihin mo lang sakin at ako ang maghahatid sayo sa piling nya.
Pakakawalang na kita at ang pag ibig kong sayo'y nadama.
![](https://img.wattpad.com/cover/115592409-288-k5081.jpg)
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY - Tagalog
Poetry❝Mga letrang pinagsama, Mga salitang nabuo, Pag ito'y ipinagsama? Makakabuo ng pangungusap na sa puso mo'y tatatak❞ -Peachy_xxie