"MALABO MAGING TAYO ULIT"

4.1K 29 4
                                    

Papaano ko ba sisimulan ang kwento nating nagtapos sa walang dahilan, Paikot-ikot ang mga tanong na hindi ko mabilang-bilang kung ilan. Bakit ba tayo naghiwalay?

Ako'y mabilis na nawalay.
Nawalay sa mga yakap ng pagmamahal mo,
At halik ng pag aalaga mo.
Bakit ka nagsawa agad?
Akala ko ba ako lang ang iyong hangad.

Siguro hindi lang talaga tayo pinagtakda para sa bawat isa.
Sa mga araw na nagdaan gusto ko ng makalimot.

Makalimot sa mga alaala nating di matapos tapos na halos gusto ko ng magtago sa isang kumot. Paano ba kita makakalimutan?
Kailan ba kita ulit mahahagkan?
Bukas ba o hindi na talaga?
Sobrang nakapagtataka.
Kaya't ang labo na.

Ang labo na ng pagkakataon na tayo'y muling magkabalikan at magmahalan. Magmahalan ng walang katapusan.

Malabo na tayo'y muling umahon tungo sa bagong panahon.
Malabo na tayo'y muling magkaayos sa anumang unos.
Malabo na, malabo na.

At muling natutunan kong mahalin ang aking sarili,
Na aking nakalimutan ng ika'y aking mahalin ng walang pili.

Kaya't mahal paalam na dahil ang dating tayo di na kayang ibalik pa, Kaya't ako'y suko na.

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon