"MAHAL PARIN KITA"

3.3K 18 0
                                    

Hi ex"" kumusta kana? Alam kong masaya ka""
Masaya ka kase wala ng nangungulit sayo,

Masaya ka kase wala ng nagpapasakit ng ulo mo,
Masaya ka kase nakalimutan mo na ko.

Naaalala mo paba nung araw??
Nung araw na sobrang pinasaya moko,
Nung araw na pinakita mo sa harap ng maraming tao na mahal moko,

Yung araw na sinagot kita?
Hindi ko alam kung magiging masaya ako
O malulungkot nalang dahil magisa nalang ako.

Oo magisa nalang akong nagdiriwang ng special na araw na to.
Kase wala na, wala ng tayo.

Naaalala ko pa noon nung nangako tayo sa isat isa
Na hindi tayo maghihiwalay,

Oo alam kong ako ang may kasalan
Kase hindi kita pinahalagahan.
Pero pinilit ko naman na isalba yung relasyon nating dalawa,

Pinilit ko paring kumapit. Pero mahal! Bakit ka bumitaw?
Hanggang ngayon alam mo ba na umaasa parin ako?

Na hanggang sa dulo'y ikaw parin at ako""
Umaasa parin ako na sana ipaglaban mo din yung relasyon na sabay natin binuo""

Ilang buwan na ang lumipas simula nung iniwan moko.
pero eto parin ako! Eto parin ako naghihintay, nagbabakasakali na bumalik ka ulit sakin

Nagbabakasakali na muli kang bumalik sa piling ko""
Mahal pwede bang ituloy nalang natin yung relasyon natin na naudlot?

kung pwede lang naman
Pero sige kung meron ka ng bago ok lang, tatanggapin ko nalang

sana maging masaya ka sa kanya,
Sana masuklian nya yung pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya,

Siguro nga eto na ang huling pagkakataon ko para masabihan kita ng

Labing apat na letra, Anim pantig,
Tatlong salita.
Hanggang dito nalang
Mahal parin kita..

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon