"ANG BILIS MO NAMANG NAKA MOVE ON"

2.3K 3 0
                                    


Kamusta kana?
Tinatanong kita hindi dahil gusto kong bumalik ka,
Kundi gusto kong Makita kung lalandiin mo din ba ako gaya ng panlalandi mo sa iba.



Alam ko wala nakong karapatan,
Pero gusto kong malaman mong meron parin akong nararamdaman ,
Pero wag kang mag alala,
Hindi kita pipiliting bumalik kasi alam kong hindi kana babalik.



Pano ko nasabi?
Kasi alam kong naka move on kana?
Alam kong may pamalit kana?
Pano mo nagawang mag move on ng ganong kabilis?



Ay!kasi sabi mo nga pala walang kweta yung relasyon natin
Oo wala nga talaga.
Kasi ni minsan hindi moko nagawang intindihin
Sarili mo lang puro pano ako?
Pano naman ako?
lagi nalang ikaw?
Akala ko ba Ikaw at ako ay tayo?


Ang bilis mong nakalimot,
Naka move on.
Minsan kaya naisip mo manlang kung naka move on narin ba ako?
Kung may bago naba ako?
Kung  Masaya narin ba ako tulad mo?
Namimiss mo rin ba ako gaya ng pagkamiss ko sayo?




Namimiss mo rin ba yung boses ko?
Yung pangungulit ko sayo kumain kalang
Yung mga iloveyou ko sayo
HAHA! Nakaka baliw
Nakakalungkot na ikaw masaya na habang ako heto nag iisa.




Pero ano nga bang paki mo?
Kahit na miss na miss ko na yung boses mo,
Yung pagiging moody mo,
Pagiging sweet mo ,
Long message mo,
Mga ilove you mo,
At ikaw miss na kita.


Alam kong bawal at Malabo na,
Dahil nga may pamalit kana.
Na baka mamaya,bukas at sa mga sususnod pang araw ay maging kayo na.



Wala nakong magagawa
Kundi tanggapin na naka move on kana .
Tanging gusto ko lang ay maging Masaya ka kahit hindi na sakin basta maging Masaya ka.
Tatanggapin ko na dahil tanggap mo na
Na hanggang ditto nalang tayo at hindi na magtatagal pa.

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon