Mahal pagod na ako
Pagod na ako sa mga linya mo
Mga linyang "sayo lang tong puso ko"
Mga linyang "ikaw lang ang mamahalin ko"
"Ikaw"
Ikaw tong si paasa na pati si tanga ay naniwala na
Naniwala na ako lang talaga
Mahal saang banda?
Saang banda na nagkulang si tanga?
Saang banda na nakalimutan ka
Na pati si ganda ang iniwan ko na
Mahal nawala lang ako bigla
Tapos meron ng siya?
Walang ako?
Walang tayo?
Walang ikaw at ako sa mundo niyo
Pero kinaya ko
Kinaya kong bumangon
Hinarap ang kahapon
Na parang walang narinig at tinapon
Pangit ba ako?
Kapalit-palit ba ako?
Paulit-ulit na pilit at pinipilit ang pag-ibig na pait
Kasi mahal sa bawat sulok
Sa paghawi ng mg buhok
Ikaw tong naaalala ko
At siya ang binabanggit mo
Oo tanga
Katangahan tong ginagawa ko
At alam kong alam mo na gumuho ang mundo ko nung pinili mong manatili sa piling ng iba
Siya
Siya ang pumalit sa lugar ko
Siya ang nagpapatawa sayo
Siya ang pinakamamahal mo
Oo masakit, sobrang sakit
At oo, ako na minsang naging mundo mo
Na minsang naging happy pill mo
Ako na minsang minahal mo
Pero heto ka, heto ako
Masaya ka
Iniwan mo ako
Magdusa ka
Oops sorry! Oo pinapalaya na kita dahil sabi ng mama ko dapat daw tinatapon ang mga sirang laruan sa basurahan.
Oo tinatapon na kita at di na ako magpapakatanga pa.
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY - Tagalog
Poesia❝Mga letrang pinagsama, Mga salitang nabuo, Pag ito'y ipinagsama? Makakabuo ng pangungusap na sa puso mo'y tatatak❞ -Peachy_xxie
