"TAYO"

9.5K 11 3
                                    

Mali ba ang ginawa ko?
Na kahit minsan nagmahal ako?
Na kahit minsan tinawag mo akong pag mamay-ari mo?
Na kahit minsan naging TAYO?
Na kahit sa isang PAG-PAPANGGAP lang na ito?

Mahal, Alam mo ba kung ano ang nadarama ko?
Nadarama ko sa mga oras na ito?
Alam mo ba kung okay lang ako?
Dahil sa totoo, hindi ko din alam.
Alam mo Mahal, Masaya ako na may halong Sakit.


Masaya! Masayang masaya ako
Sobrang saya ko dahil sa salitang TAYO
Dahil kahit na papaano
Naramdaman ko.
Naramdaman kong mahal mo ako.
Na kahit minsan lang ito.

Pero masakit, sobrang sakit
Na animo'y di ko mawari ang sakit, sobrang sakit, napakasakit.
Dahil sa salitang TAYO may pait na kapalit
Oo sobrang sakit, di malilimutang sakit.
Na pati'y kaibigan ko'y nadamay sa kaguluhang pinasok ko.

Pero alam kong maswerte ako
Dahil sa taong hinangaan ko nang husto
Naging mahalaga ako
Tinawag na pagmamay-ari ako
Kahit sa sandaling ito.

Oo, pagpapanggap lang lahat ito
Pagpapanggap na may TAYO
TAYO, na dinarasal ko na sana'y totoo
TAYO, sa sandaling panahon
Pero SALAMAT, SALAMAT
Kahit sa sandaling panahon
Na yung IKAW at AKO
Ay mayroon ding salitang TAYO

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon