"PATAWAD"

7.5K 9 0
                                    


minsan ako'y napaisip,
bukas ang damdamin at ako'y nakapikit.
haplos ng hangin,pumapawi sa pait,
pilit iniisip kung hanggang saan ang galit.


galit na hindi alam kung sinong may sala,
pait na parang di na mawawala.
sakit na dulot ng yong pagkawala,
nakapikit parin ako at may luha ang mata.




lumuluha ang mata nakatingala sa kawalan,
bakit nga ba kita pinakawalan?
at lalong bakit kita sinaktan?
pagsisisi't paghingi ng tawad sa tulang ito idadaan.




idadaan at ipararating kung nasaan ka man,
pagsisisi sa mga nagawang kasalanan.
at marahil ito'y araw-araw mong tatanggihan.
kaya patawad mahal ika'y aking nasaktan..

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon