"IKAW AT IKAW LANG"

12.9K 26 1
                                    

Mahal?
Sa sobrang pagmamahal ko sayo
Nagawa kong mabuo ang tulang to
para sayo.
Kaya sana naman magustuhan mo.


Hindi ko alam pano magsisimula
Wala ako ganong alam sa pagsulat
At pag tula.
Hindi ko alam paano magtugma
Isa lang ang alam ko,
yun ang Mahal kita.



Mahal kita dahil mahal kita.
Mahalaga ka dahil mahal kita.
Ikaw lang dahil mahal kita.
Isinulat ko ito dahil mahal kita
at ang buong ikaw.
Mahal kita at mamahalin pa kita.


Gusto ko sana mahal na malaman mo,
na para kang hangin na hindi ako
mabubuhay kung wala ka.
Para kang araw na nagbibigay
sakin ng liwanag.
Para kang bituin na sa akin gumagabay.
Para kang tubig na sa akin bumubuhay.



Ikaw ang lahat ng yan mahal.
Ikaw yan..
Ikaw ang buhay ko mula ng minahal kita.ikaw lang.ikaw..



Sa bawat oras na lumipas,
sa bawat araw na dumaraan,
na wala ako mahihiling pa kung hindi ang Ako at IKAW ay maging pang habang buhay.


Habang buhay na mag kasama,
mag kayakap,
mag kakwentuhan.
Sabay na tatanda,
sabay natin haharapin ang umaga,
at sabay rin nating sasalubungin ang pag lubog ng araw na magkahawak ang mga
kamay at mag kayakap.


Kaya mahal ko, ang ikaw at ako
ang aking pang hahawakan
hanggang sa pagtanda nating dalawa.
Mahal na mahal kita..

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon