Kay tagal nang nasagi sa isip ko ang katagang yan.
Ngunit sa tuwing nakikita kita katagang yan ay naglalaho lang.Ako lang ba o Ikaw din ay nakakadama nito?
Marahil nga'y pagod na talaga.
pero bakit ninanais pa ding lumaban pa?
kahit alam kong talo na ko Dehado na kung maituturing,
dahil ikaw na mismo ang pumili at nagparamdam.Kay tagal kong naghihintay,
pero wala yung hinihintay ko.
nasa iba na pala.Umiiyak gabi gabi,
pagsapit ng umaga makita ulit kita
hayan ngiti ulit at heto mahal ka ulit.Ang tanga ko din dahil ang lakas ng loob kong sabihing nakalimot na ko.
pero hindi pala nakalimot na sayo'y umasa at nagpakatanga.Dahil sa dalawang buwan na nagdaan nang hindi kita nakikita
siguro'y nawaglit ka lang.
Ngunit nagkita ulit,Nagbalik ang akala ko'y wala na,
Nagkamali pala ako nandito ka parin,
At hindi ka naaalis.Hindi nabawasan kung gaano ko kagustong sabihing mahal kita,
At iparamdam yan sayo.
Kaso nga lang,
wala ka ng pakialam.Sino nga ba naman ako sayo?
Ako lang naman ay isang simpleng tao,
na pilit nagsusumiksik para makapasok sa buhay mo.Wari'y tanga nga talaga ako
dahil umasa ako sayo.
Na kahit papano may puwang ako dyan sa puso mo.Pero ikaw na mismo ang nagtulak sakin.
At nag alis ng aking kamay na nakakapit sayo. Nagmahal ako nang isang taong may mahal ng iba.
Ayoko na, Ayoko na.Ayoko nang ipilit pa ang sarili ko sayo.
Ayoko nang ipilit pa ang isang bagay na wala naman talaga .
Ayoko nang sumugal pa ulit
dahil paulit ulit lang.hindi na tumitigil
Ayoko nang ikaw na naman,
Ikaw na naman ang maging dahilan sa mga masasaya kong araw.
Dahilan sa mga alaalang kailan ma'y di ko malilimutan.
At maging dahilan na ako umasa na meron pa kahit wala na.Matagal na panahon,
bago ako nagkaroon ng lakas ng loob para ibaon ka na sa limot.
Tapusin na ang kahibangang dapat matagal ng winakasan.
Isang pahina nang libro na kung saan isa na lang siya alaala na nakatatak Pahina na kung saan nakasulat ang salitang WAKAS.
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY - Tagalog
Poetry❝Mga letrang pinagsama, Mga salitang nabuo, Pag ito'y ipinagsama? Makakabuo ng pangungusap na sa puso mo'y tatatak❞ -Peachy_xxie