Naaalala mo pa ba?
Yung mga panahon na masaya pa tayo sa piling ng isa't-isa?
Yung walang puwang sa pagitan ng puso nating dalawa.Kasi ako ramdam ko pa,
ramdam ko pa din yung yakap mo,
ramdam ko pa din yung mga hawak mo,
mga paghawak mo sa palad ko.Alam mo may puwang pa rin sa pagitan ng mga daliri ko?
Nag-aantay na muling mapunan ng pag-ibig mo.
Kaso mukang huli na ang lahat para sa'ting dalawa.
Mapapatawad at pagbibigyan mo pa kaya ako kung ako na mismo yung babalik doon sa lugar kung saan tayo nagkakilala?Sana nga'y hindi na.
Sana nga'y 'wag na.
Para naman wag na madagdagan pa yung kirot na aking nadarama.Mahal,sana masaya kana.
Mahal sana mahal ka nya
Mahal sana pinupunan nya yung kagustuhan mo na hindi ko kayang ibigay.
At naging dahilan ng paglisan mo.Mahal, alam ko magulo pa para sa iyo ang lahat.
Pero sana maunawaan mo.
Maunawaan mo,
na nasaktan ako sa ginawa mo.
Sa ginawa mong hindi pagseseryoso.
Habang ako eto, umaasa na babalikan mo.
Umaasa na muling makuha ang atensyon mo.
Ang atensyon mo na minsan ng nawala dahil naghanap ka ng saya at atensyon sa ibang tao.Pasensya na mahal dahil hindi ko natupad yung pangako ko.
Yung pangako ko na hindi pagbitaw sa kung anong meron tayo.
Hindi pagbitaw sa pag-ibig ko sayo.
Pag-ibig ko sayo
Pag-ibig ko sayo
Pag-ibig ko sayo
Na ikaw na mismo ang bumitaw.Minsan kitang natanaw na nakangiti.
Nakakatuwa marahil masaya ka ngayon.
Kahit alam kong sa piling ng iba.
Nakakalungkot man isipin na wala na tayo ngayon.
Kahit nais kong muling manumbalik ang init ng ating pagmamahalan.Ngunit paano?
Paano kung wala nga palang naganap na init sa ating pag-iibigan?
Hindi ba't nangako ka na tayo lamang dalawa?
Tayo lamang dalawa ang magpapatunay na mali sila?Marahil ay naging mahina ako.
Naging mahina ako't hindi ka naipagtanggol.
Mapatawad mo sana ako sa mga pagsisinungaling ko sayo.
Dahil mahal.
Matagal na kitang napatawad sa pagtalikod mo habang ako heto't pinapanood kang masayang binabalikan ang ating mga alaala.
![](https://img.wattpad.com/cover/115592409-288-k5081.jpg)
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY - Tagalog
Poetry❝Mga letrang pinagsama, Mga salitang nabuo, Pag ito'y ipinagsama? Makakabuo ng pangungusap na sa puso mo'y tatatak❞ -Peachy_xxie