"ITO LANG ANG KAYA KO."

1.5K 7 0
                                    

Sige,sige.
Kayo na tama ako na mali,
Lahat ng kilos ko mali sa inyong paningin,
Konting galaw konting kibot kasalanan na rin?


Prisensya ko sainyo'y nakakairita,
Pero kapag ako'y wala ako ay inyong hanap hanap dahil sa walang mapuna,
Ano ba talaga ako sainyo? 
Kamag-anak o robot na ginawa para sainyo upang hindi mabagot?

Ginagawa lahat upang kayo'y hindi magalit,
Ginagawa lahat upang ako'y hindi nalait,
Pero bakit? Ito'y hindi pa rin sapat,
Sainyong paningin ako'y naglalaro lang at hindi siniseryoso lahat.



Auntie naman! Malaki na ako at alam ko na ang biro at loko,
Pero alam nyo ang hindi ko alam? Kung paano ko papatunayan sainyo na ako'y seryoso at hindi naglalaro,
Pagod na ako eh! Pagod na akong patunayan sainyo na ito lang ang kaya ko,
Na ginagawa ko naman lahat para sainyo.


Patawad kung hindi ko matapatan ang inyong ekspektasyon,
Siguro mangangarap nalang ako at sigiro dun maipagmamalaki nyo na ako masaya na ako sa ganoon kahit ito'y isa lang ilusyon, Pero sana matangap nyo kung ano ako,
At ang buo kong pagkatao.

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon