"MGA AKALA"

2.5K 12 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa salitang "AKALA"
Akala na nagtapos din naman sa mga akalang hindi naman pala talaga tama.
Simula ng araw na tayo'y nagkakilala ang isa sa mga magagandang yugto sa aking buhay.
Dahil yun din yung mga panahon na umibig ako ng tunay.



Sa isang tulad mo na laging nag iiwan ng ngiti sa aking mga labi.
Na laging nasa aking tabi tuwing ako ay may problema.
Pero lahat ng yun nagbago.
Nagbago ang lahat ng dumating siya.
Nagbago ang lahat ng makilala mo siya.
Sa isang iglap nawala ang lahat ng dahil sa kanya.
Bakit ka nga ba nagbago?
Bakit mo nga ba nagawang iwan ang isang tulad ko?


Lahat naman ginawa ko para sayo.
Lahat tiniis ko para lang sayo.
Pinilit kong tawanan lahat ng cornyng jokes mo. Lagi akong nandyan para damayan ka sa lahat ng kadramahan ng buhay mo.
Kahit na minsan nagmumukha na kong tanga ikaw padin ang iniisip ko.


Pero ba't ganun?
BAKIT NGA BA GANUN?
Siya isang tingin lang niya okay na.
Isang ngiti lang niya gusto mo na.
Kahit na ngayon lang naman kayo nagkakilala.


Mahal kita, mahal mo siya
Kahit ako naman talaga yung nauna,
Nagmukha pa kong kontrabida sa lovestory niyong dalawa.


Bakit ganun,?
Mas masaya ka na ba sa kanya?
Mas mahalaga na ba siya?
Mas mahal mo na ba siya?
Ang sakit alam mo ba yun?
Ang sakit kasi akala ko ako.
Ang sakit kasi umasa ko.



Ang sakit kasi akala ko may matatawag nading tayo.
Akala ko meron ng ikaw at ako.
Ang meron lang pala ay kayo.



Ang sakit kasi mas pinili mo siya.
Ang sakit kasi ganun lang kadali para sayo na iwan at balewalain ako.
Ang sakit kasi ganun lang kadali para sayo na kalimutan ako,
kalimutan lahat ng mga alaala na magkasama pa tayo.
Oppss magkasama lang pala wala nga palang tayo




Tama nga sila walang nagmamahal na hindi nakakaranas ng sakit.
Ganun pala noh?
GANUN NA GANUN
Pag mas pinaniwalaan mo yung salitang akala.
Akala na wala naman talagang kasiguraduhan,
Akala na wala naman talagang katotohanan.
Ang sakit kasi akala ko tama na yung pinanghahawakan ko.



Akala ko nagugustuhan mo nadin ako.
Pero naisip ko din siguro nA ang tanga ko.
TANGA dahil minahal pa kita.
TANGA dahil naniwala ko na may pag asa
TANGA dahil kahit na alam ko na mas gusto mo siya mahal padin kita.

Salamat na lang sa panandaliang saya na nag iwan ng pang matagalang sakit.
Sa pag iwan sakin na nag iwan din ng mga katanungang bakit.
Salamat din sa pagiging sweet mo na wala naman pala talagang dahilan.
Sa pag papakita mo ng pagmamahal na wala naman talagang katotohanan.
Salamat pero ayoko na, sorry pero nakakapagod na
Nakakapagod ng magpakatanga.
Nakakapagod ng umasa.
Nakakapagod ng mag isip na balang araw mapapasakin ka.
Nakakapagod maghintay na sana ako naman ang maging priority mo.


Pagod nadin akong mamalimos ng oras mo.
Pagod na kong makipag paligsahan sa kanya
At higit sa lahat pagod na kong maniwala sa pagsasabi mo ng pagmamahal na puro kasinungalingan lang naman pala.
Bakit ka nga ba nakilala pa?
Bakit ka nga ba dumating pa?
Bakit nga ba naging malapit pa tayo sa isa't isa.
Bakit nga ba minahal ka pa?
Kung sa huli mawawala kadin naman pala.


Ito na ang huling pakiusap ko sayo.
Wag mo sana iparanas sa kanya lahat ng sakit na naramdaman ko.


Gusto kita pero nakakapagod na.
Patawad pero ayoko na.
Halika ka na at sumama ng maihatid na kita sa kanya.
Kahit ito lang hayaan mong gawin ko sa kabila ng mga akalang ninanais ko
Ihahatid ko ang kaligayahan ko sa kaligayahan nya.
At pakatandaan mo
Mahal na mahal kita
paalam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon