"LUGAR SA BUHAY MO"

5.8K 7 0
                                    

Saan ba yong lugar na ako'y sasaya?
Kahit na maparito, diyan, doon o kahit saan na
Kahit saang parte na ng buhay mo na kaya mo akong bigyan ng halaga Pang matagalan sa relasyon kumbaga.


Yong tipong tayo ay magkasama sa mga lungkot at saya,
Sa pagbibigay solusyon sa ating mga problema
At higit sa lahat sasamahan ako sa pagtanda.



Pero wala...
wala ka ng parteng maibibigay pa
Kasi wala ng bakante at sapat na sila
Sa buhay mo.



May nararamdaman ako sayo kaya'y minsan nagpapakatanga.
Minsan ako'y umaasa,
Na ako ang uupo sa pwestong iiwan niya,
At minsan ako din ang dahilan para ngumiti ka.


Pero para sayo kaya kong maghintay pa?
Kasi hindi naman minamadali ang lahat para problema'y mawala na.

At ikaw ang solusyon sa aking problema
Kaya ikaw hanggang ngayon ay aking hinihintay pa
Na ang problema'y masolusyunan na.

Di ko alam kung ano ang lugar ko sa buhay mo,
O kung ano ako para sayo,
Minsan nga napag isip isip ko na,
May lugar pa ba talaga ako sa buhay mo?

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon