"PAANO?"

2K 3 0
                                    

Kamay na laging sa braso koy nakaakbay
Kamay na laging magkahawak na halos di mapaghiwalay.


Yakap na laging nararamdaman sa aking katawan
Halik na lagi mong binibigay lalo na sa panahon na diko inaasahan.


Ngunit bakit ganon? Ako'y umiiyak ngayon? dahil sa alaalang iyan Alaalang nagpapaalala sakin kung gaano moko kamahal
Kung papaano moko minahal? noong panahong walang kapang ibang mahal?

Ako'y nagluksa nung panahong binitiwan mo ang aking kamay at sinabing "patawad dahil hindi na kita mahal"
PAANO?


Paano na ang mga pangako mo?
PAANO na ang mga plano na sabay nating binuo?
PAANO na ang puso ko? Puso kong inaantay ang pagbabalik mo.


Pero babalik ka pa nga ba? Sayang dahil alam kong hindi na
Hindi na dahil mas mahalaga na sya.

Hindi na dahil alam kong mas mahal mo na sya
Kaya mahal ito lang ang nagiisa kong tanong para sayo,

"PAANO MAGHIHILOM ANG SUGAT NA GINAWA MO SA PUSO KO?"

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon