"PANAGINIP"

5.2K 30 2
                                    

Nagising ako sa isang mundong walang tanging mahalaga kundi ang ikaw ay makasama.

Nagising ako sa isang mundong walang lugar ang kalungkutan, sa mundong ang tanging pinaniniwalaan kundi ang wagas na pag ibig mo

Sa mundong dadalawa lang ang tao at walang iba kundi ikaw at ako,sa umaga nasanay nakong gawan ka ng paborito mong kape o tsaa, kasabay ng halik sayong noo.

tulad ng tanghali akoy tapat na maglilingkod sayo, pumuti man ang mga buhok mo, at sa gabi sabay tayong nagtatawanan sa pag alala sa nakaraan.

Mensaheng sana ay maging matibay pa at wag nang matapos pa ang ating pagmamahalan.

Naalala kopa, inuubos ko ang oras sa pag-guhit sayong mukha, Makita lang ang mukha mong labis sa pagka mangha, kahit na inaamin kong hindi ako marunong gumuhit at puminta.

Naalala kopa noong sinabi mong "kantahan mo ako" kahit na labis ang hiya ay wala akong nagawa, kahit sintunado at wala pa sa tono ay labis ang iyong tuwa.

Sa pag lalagay ng kolorete sa mukha ko sa pag tatali sa buhok ko, sa pangungulit at pagkagat sa kamay ko.. kahit na masakit tiniis ko para sayo tapos tatawanan mo lang ako..

At sa isang saglit ay unti unting dumilim ang paligid,
Unti unting nawawala ang mga bagay sa harap ko.

unti unti ding nawawala ang mundong sabay nating ginawa. Tulad ng tinta sa aking panulat na bigla na lamang nawala..

At muli akong nagising kahit na nag aalala kasabay ng pag-alala na itoy isang panaginip lang pala ng masasayang ala-ala.

Naging manhid na ang datiy iyong hinahalikang mga pisngi sa pag patak ng mga luha mula sa namumugtong mga mata kahit pilit na hinahawi para mapawi ang datiy masaya ngayon ay masasakit na ala ala.

Na aalala ko, ang huling wangis ng iyong mukha at ang mga salita sa mensaheng iyong winika.

Labis ang pag patak ng mga luha sa katotohanang ang sasakyan kung saan isa ka sa mga lulan ay patungong langit na pala

At ngayon hindi na kita nais Makita, hindi na kita makakaya pang tignan sa iyong huling hantungan.

kasabay sa iyong pamamaalam ibinaon narin ng pala ang ating masasayang ala-ala, mahal salamat at patawad dalangin koy sana ay ikay maging masaya kahit akoy hindi mona kasama..

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon