"PAG IBIG"

29K 40 1
                                    

Pag ibig ,
tinuturuan tayo kung pano magmahal ng tunay at tapat,

Pag ibig na binibigay natin sa taong mahal at mahalaga sa buhay natin.

Pag ibig na siyang nag iiwan satin ng masasayang ala ala kasama rin ng kalungkutang nadarama.



Pag ibig na binubuo ng dalawang nagmamahal ,
dalawang pusong nagkakaunawaan.


 Pag ibig na minsan bigla nalang mabubuo kahit na sa di inaasahang pangyayari.


Pag ibig na kahit siya lang sapat na
Pag ibig na handang ibigay kahit na higit pa sa sobra
Pag ibig na mas mahalaga ang taong mahal bago ang sarili,
Pag ibig na walang hinihintay na anumang kapalit,
Pag ibig na handa siyang palayain,
Pag ibig na nasayang at napuno ng kalungkutan,
Pag ibig na nauwi sa masakit na paalam.


Dahil sakanya natutunan kong magmahal,
Dahil sa kanya natutunan kong maging matatag,
Natutunan ko ang tunay na pagmamahal,
Pag ibig na minsan nagsisimula sa katapusan.

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon