"PAWALA NA ANG TAYO"

3.8K 31 0
                                    

Nagsimula sa "HI"  nasundan ng "Hello" hanggang sa maging magkaibigan .

Kaibigan hanggang sa maging magkalandian
Landian patungo sa seryosong usapan

Pagiingat , pagpapahalaga , at pagpaparamdam na mahal na natin ang isa't isa hanggang sa dumating yung puntong nagkahulugan na .

Niligawan , binigay lahat ng effort .
At sa WAKAS sinagot ko na sya .

Napakasaya sa umpisa
Walang oras na hindi tayo naguusap
Walang araw na lumipas na hindi tayo nagkikita

Nagkatampuhan , nagaway pero hanggang dun lang kase hindi tayo maghihiwalay . Pangako mo yan!

Mga pangakong mahirap bitawan
Pangakong nakakakilig kung ikaw ay magbabalik-tanaw .

Nagmahalan hanggang umabot sa isa o higit pang mga buwan.

Marami mang pagsubok na tayo'y hinarap .
Magkasama pa rin nating tinahak ang lahat .

Mahal na mahal mo ko , mahal na mahal din kita . Pareho tayong nagmamahalang dalawa.

Ngunit ngayon mahal , nasaan na?
Nasan na ang pagmamahal?
Nasan na ang iyong pangako?
Tila ba'y ikaw ay nanlalamig na .

Ano bang problema mahal ko?
At kailangan pa nating humantong sa ganto?

Madaya ka , sinanay mo ko sa relasyong masaya diba?
Relasyong ngayon ay unti unti ng nagbabago.

Relasyong punong-puno ng pagmamahalan noon , ngunit puno ng hinala at pagseselos ngayon.

Ayoko ng ganto mahal ko .
Ayokong magtagal sa ganitong sitwasyon
Sitwasyong nahihirapan akong tanggapin
Sitwasyong kinakatakutan kong dumating
Sitwasyong ayokong makasanayan .

Gusto ko mang lumaban ngunit ako na'y iyong sinusukuan

Ayokong magmukmok at magkulong sa aking silid .
Ayokong umiyak sa aking mga kaibigan sapagkat AYOKONG makita nila na ako ay lubha ng nahihirapan.

Nahihirapang tanggapin lahat ng nagyayari .
Nahihirapang isipin kung saan ba ko nagkulang at ikaw ay biglang nagkaganyan . Hirap na hirap nako pero hindi ako susuko mahal ko .

Alam kong dadating yung araw na babalik din tayo sa dati .
Yung araw na masaya ulit tayo .
Araw na wala tayong ibang iniisip kundi tayo lang .
Araw na hinihintay kong dumating ulit .

Dadating pa nga ba o tuluyan ng maglalaho?
Lalaban pa ba o hahayaan na kita?

Maraming tanong ang pumapasok sa aking isipan kung ano ba ang aking pagkukulang .

Maayos pa sana to .
Sana maalala mo na ulit ako.
Ako na sobrang nagmamahal sayo.

Ako na tatanggapin lahat ng pagkakamali mo.
At ako na magtitiis at iintindi sa ugali mo.

Huwag naman sanang dumating sa punto na tuluyan ng maglaho tong relasyon nato .

May mali ba talaga ako? o ikaw na mismo ang gumagawa ng paraan para tayo ay magkahiwalay .

Ilang beses kong pinagdasal na wag tayong dumating sa sitwasyong "PAWALA NA ANG TAYO"

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon