"KATOTOHANAN"

2.7K 9 0
                                    


Naaalala mo pa ba kung pa'no tayo nagsimula?
Kung paano mo ako pinakilig at pinahulog sayong matatamis na salita?


O kay sarap isipin at balik-balikan ang ating mga ala-ala
Na para bang isang masamang panaginip at ako'y nagising nalang bigla At ang dating tiwala ay napalitan ng pagdududa
Sa dahilang tayo ay malayo sa isa't-isa.

At nang minsa'y sinabi sakin ng pinsan mo na
Ikaw ay hindi marunong makuntento sa isa

Sa ngayon ay kay hirap mo ng pagkatiwalaan
Ang mga pangako mo noon at ngayon ay kay hirap ng paniwalaan

Hindi kasi sa lahat ng oras ay kaya kitang pagbigyan sa lahat ng iyong kalokohan Dahil ako ay tao lang naman na nahihirapan at nasasaktan

At ngayon nga'y alam ko na ang katotohanan
Na lahat ng lumalabas na mga salita sayong bibig ay pawang kasinungalingan Tama na ang ako'y dalawang beses mo ng niloko't sinaktan
Dahil pag-ibig ko'y panseryosohan at hindi panlokohan. ""

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon