"HANGGANG DITO NALANG"

2.3K 15 0
                                    

Mahal dito na magtatapos ang lahat
Sa hinaba haba ba naman ng panahon na ginugol ko sayo .

ito na yung tamang panahon .
Ito na ung tamang pagkakataon .
Ito na ung tamang oras .
Ito na talaga .

Paalam na mahal ,
Paalam na sa mga masasayang ala-alang nabuo nating magkasama.

Paalam na sa pagmamahal na hanggang ngayon eh inaalay ko parin para sayo. At Maging sayo mahal paalam na .

Alam kong masaya kana ,kaya guguluhin paba kita?
Alam kong may iba kana , habang ako eto nandito parin kung saan moko iniwan .

Baka kasi maisipan mupang bumalik kaya hindi ako umalis
Baka kasi pag umalis ako pagsisihan kong hindi kita hinintay .

Pero alam ko namang sa una palang eh wala na talaga akong hinihintay pa.

Ngunit ayoko ng pahirapan pa ang aking sarili .
Kaya namn ito na ang huli .

Huling pagluha ng dahil sayo .
Huling sakit na mararamdaman ko dahil sayo.
Huling oras na ilalaan ko para sayo .
Huling sandali ng pagmamahal ko sayo .

Kaya hayaan mokong ilahad sayo ang aking masinsinang pamamaalam .

Hanggang dito nalang mahal ,
Hanggang dito nalang lahat .
Gusto ko nang humakbang paalis sa lugar kung saan moko iniwan.


Para mawala na lahat ng hirap at sakit na napagdaanan ko .
Para maging malaya na ang puso kong binihag mo ng napakatagal na panahon .


Hahakbang na ako palayo mahal
Palayo sa mga panahong lungkot ang bumabalot sa akin .
Palayo sa taong nanakit saakin.
Palayo sa taong minahal ko ng lubos .
Hahakbang nako , palayo SAYO .

Sana sa aking pag lisan hindi na kita muling makasalamuha pa .
Dahil kung magkataon man na pagtagpuin pa tayong dalawa .
Hindi ko na alam kung para saan pa .


Sana sa aking paglisan ,
Matahimik na tayong pareho .
Sana sa aking paglisan ,
Wag mo na ulit akong gagambalain pa .
Sana sa aking paglisan ,
Makalimutan na kita .

Paalam na aking mahal .
Ako'y aalis na sa lugar na puno ng paghihinagpis ng dahil sayo . Hangad kong Maging maligaya ka sa piling ng iba .
Paalam na .
Hanggang dito na lang .

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon