"TULIRO"

4.1K 10 0
                                    

Nakaupo sa isang silid,
at akoy nagmamasid masid.
sa paligid kong sobrang dilim,
na hindi ko na maikukubling.



Pilitin ko man labanan ang sakit,
pero habang pinipilit lalong pumapait.


parang sing sing na hindi kasya,
ginto,pilak o batong mahal ang halaga.


Kung hindi talaga tugma,
kahit ikay magmakaawa.
hindi mo pwedeng baguhin ang tadhana,
na inukit at sinulat ni bathala.



Ibigay o gawin mo man ang nararapat,
magtira at magtabi ka ng para sayo ng karapat dapat.
sa kadahilanan na pagbinigay mo ang buo.
iba ang sakit at hapdi sa huli pag ika'y nabigo.



Ginawa at sinulat ang mga ito,
hindi para ilathala ang pagkabigo.
pulang tinta at may patak ng luha,
ang kumumpleto at bumuo sa tula.



Base sa napagdaan sa nakaraan,
na parang ayoko ng balikan.
pero bakit sabik na ika'y Makita,
sana bukas nandito kana sa muling pagmulat na mga mata..

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon