Alam mo ba kung anong pangarap ko?
Ang magkaroon muli ng "IKAW AT AKO"IKAW AT AKO na walang alam gawin kundi mag asaran!
IKAW AT AKO na lagi lang masaya!IKAW AT AKO na hindi nagsasawang magkausap kahit wala ng iba pang mapag-usapan! IKAW AT AKO na magkasamang hinaharap ang problema na dumadaan!
IKAW AT AKO na nagmamahalan!
At higit sa lahat....
IKAW AT AKO na mahal na mahal ang isa't isa!Ngunit bakit tila nagbago ang lahat?
Ang dating "IKAW AT AKO" ay napalitan na lamang ng "AKO"AKO na walang ibang ginawa kundi umasa!
AKO na patuloy na lumalaban kahit nahihirapan na!
AKO na patuloy na kumakapit kahit alam kong ikaw ay nakabitaw na!AKO na patuloy pading umaasa sa salitang sinabi mong "MAHAL KITA! MAHAL KO" AKO na patuloy na umaasa sa mga pangako mo!
Ngunit isa lang ang natatandaan ko at patuloy kong pinanghahawakan! ang sinabi mong "Mahal ko! Hinding hindi kita iiwan PANGAKO!"Nasan na nga ba ang "IKAW?"
IKAW na hanggang ngayon ay mahal ko!
IKAW na hanggang ngayon ay ipinaglalaban ko!
IKAW na patuloy na hinihintay ko!
IKAW na dating anjan para sakin!
IKAW na handang gawin mapasaya lang ako!
IKAW na dati ay mahal na mahal ako!Pero lahat nalang ba ng ito ay isa na lamang salita!
Salita na kahit kailan ay di na mabubuo pa!
Salita na matagal ng nabura!Ngunit siguro nga'y hindi tayo ang itinakda!
Nais ko lamang na iyong pakatatandaan!
Na kahit kailan di ko pinag sisihan ang nagkaroon ng "IKAW AT AKO"
IKAW AT AKO na kahit sandali ay naging masaya ako
Salamat Mahal ko sa masasayang alaalang iniwan mo!
Hanggang sa muli!
At muli nating isulat ang salitang...
"IKAW AT AKO"
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY - Tagalog
Poetry❝Mga letrang pinagsama, Mga salitang nabuo, Pag ito'y ipinagsama? Makakabuo ng pangungusap na sa puso mo'y tatatak❞ -Peachy_xxie