Mahal, alam mo bang minahal kita ng tapat.
Pero mahal pinaramdam mo sa akin na hindi dapat.
At sabi mong hindi ako karapat dapat.
Sabi mo sa akin ako lang.
Pero pag kasama mo ako parang wala lang.
Akala ko noon distansya lang talaga ang malayo sa atin.
Pero ngayon pati damdamin na natin,
Magkalayo na din.
Magkaibang mundo na talaga ang ating hinaharap.
Na kailan man hindi natin hinangad.
Alam ko na pag tayo'y nagmamahal?
Kasama na don ang masaktan.
Ikaw ay magagayak.
Na may kasamang iyak.
Masaya ka sa una.
Masasaktan ka sa huli.
Katagang naririnig paulit ulit.
Dapat handa kang harapin.
Ano mang pagsubok na dumating.
Nakakamiss.
Nakakamiss yung dating tayo.
Yung masayang tayo.
Tanggap ko na na akoy kakaiba.
Dahil ikaw ay naghanap ng iba.
Tanggap ko na.
Tanggap ko na na wala ng tayo.
Tanggap ko na na hindi na maibabalik pa.
Mga panahong dating TAYO pa.
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY - Tagalog
Poetry❝Mga letrang pinagsama, Mga salitang nabuo, Pag ito'y ipinagsama? Makakabuo ng pangungusap na sa puso mo'y tatatak❞ -Peachy_xxie
